Nagpadala na ng mga tauhan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ayudahan ang pamilya ng mga Filipino seafarers na nakaligtas sa missile attack ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakapaghatid na ang ahensya ng Php10,000 na inisyal na cash assistance sa pamilya ng dalawang seafarers na namatay sa naturang pag-atake.
Nabigyan na rin ng cash assistance ang pamilya ng iba pang casualties sa missile attack.
Ang 11 na survivors na dumating sa bansa mula Egypt ay tumanggap na rin ng tig Php 20,000 na cash at food assistance.
Kasunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kagyat na asistihan ang mga biktima ng Houthi attack.| ulat ni Rey Ferrer