Liderato ni General Galido, pinapurihan ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang liderato ni General Roy Galido, kasabay ng selebrasyon ng ika-127 Founding Anniversary ng Philippine Army. 

Sa talumpati ng Pangulo na binasa ni Defense Secretary Gibo Teodoro, sinabi nito na patuloy na itinataas ng heneral ang moral ng tropa ng pamahalaan, sa pamamagitan ng natatangi nitong liderato. 

Ang matapang na hanay ng Philippine Army aniya ay tumitingala kay Galido, para sa inspirasyon at guidance. 

Umaasa si Pangulong Marcos na patuloy nitong ipamamalas ang dedikasyon sa paglilingkod sa Pilipinas. 

“The incredible movement of large scale forces, and the total show of force you have and will see today, is just a glimpse of the tremenduous phase that our army is progressing in terms of capabilites. So carry on Lt. Gen. Galido.” -Pangulong Marcos. 

Kaugnay nito, siniguro ng Pangulo ang buong suporta ng pamahalaan sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular sa patuloy na pagsasamoderno nito. 

“As we march onward to the  bnew ph, that we asprire for,  we need to transform our army, into a multi-mission ready, cross domain and capable force that can effectively thwart the emerging threats to our countries stability and sovereignty.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us