Inatasan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang lahat ng unit commanders na magbigay ng suporta sa Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng seguridad ngayong Semana Santa.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Louie Dema-ala, magsisilbi ang mga sundalo bilang augmentation force ng mga pulis.
Wala aniyang espesipikong bilang ng mga sundalo na ide-deploy bilang augmentation force, pero ang lahat aniya ng field unit ay inatasan na suportahan ang mga pulis sa pagbabantay sa mga areas of convergence at sa mga security checkpoint.
Sa ngayon aniya ay nakataas ang alerto ng Philippine Army, bilang paghahanda sa mahabang holiday, pero wala naman aniyang na-monitor na banta sa seguridad.
Ipinaubaya na rin aniya ng pamunuan ng Philippine Army sa mga field commander ang pagbibigay ng “leave” sa kanilang mga tauhan, basta’t mapanatili nila ang sapat na pwersa para ipatupad ang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Leo Sarne