Sen. Cynthia Villar, isinusulong ang rabies-free community

Isinusulong ni Senate Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar ang pagkakaroon ng rabies-free community sa pamamagitan ng iba’t ibang mga aktibidad. Ipinunto ni Villar na ang rabies ay endemic na sa Pilipinas Sa kabila nito, sinabi ng senator na ang rabies ay nananatili pa ring isang public health problem kahit pa may available namang… Continue reading Sen. Cynthia Villar, isinusulong ang rabies-free community

Mahigit 8k indibidwal, naserbisyuhan ng Philippine Red Cross nitong Semana Santa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naserbisyuhan ng Philippine Red Cross (PRC) nitong nakalipas na Semana Santa. Batay sa datos ng PRC, pumalo sa mahigit 8,000 ang mga pasyente na naserbisyuhan simula March 24 hanggang April 1. Sa bilang na ito, mahigit 7,000 ang kinuhaan ng vital signs, at halos 500 naman ang naitalang minor… Continue reading Mahigit 8k indibidwal, naserbisyuhan ng Philippine Red Cross nitong Semana Santa

Mga nasawi sa Pertussis sa QC, nadagdagan pa

Nakapagtala pa ng pitong (7) bagong kaso ng pertussis ang Quezon City hanggang kahapon, Abril 1, 2024. Sa kabuuan, aabot na sa 32 kaso ng pertussis sa lungsod na mas mataas sa 27 kaso sa buong taon ng 2023. Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, umakyat na sa lima (5) ang… Continue reading Mga nasawi sa Pertussis sa QC, nadagdagan pa

Mahigit sa 1,000 paaralan sa Western Visayas, nagsuspinde ng face-to-face classes dahil sa mainit na panahon

Umabot na sa 1,042 na paaralan sa Western Visayas ang nagsuspinde ng face-to-face classes ngayong Abril 2 dahil sa mainit na panahon. Sa tala ng Department of Education (DepEd)-6, ang mahigit 1 libong paaralan ay mula sa Schools Division Offices ng Iloilo City, Bacolod City, Roxas City, Kabankalan City, Silay City, Guimaras, Himamaylan City, Iloilo,… Continue reading Mahigit sa 1,000 paaralan sa Western Visayas, nagsuspinde ng face-to-face classes dahil sa mainit na panahon

Dalawang magkapatid na fixer sa LTO, arestado

Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkakahuli ng dalawang magkapatid na fixer na nambibiktima sa Central Office nito sa Quezon City. Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Teresita dela Cruz, 58; at Kathleen Joy dela Cruz na naaresto sa isang joint entrapment operations na ikinasa ng mga tauhan ng LTO, QCPD at Special… Continue reading Dalawang magkapatid na fixer sa LTO, arestado

Bagong PNP Chief, pinangunahan ang kaniyang unang Command Conference

Agad pinulong ng bagong Hepe ng Philippine National Police (PNP) na si PGen. Rommel Francisco Marbil ang matataas na opisyal nito ngayong araw, ika-2 ng Abril. Ito’y sa pamamagitan ng kauna-unahang command conference nito, isang araw matapos siyang pormal na maupo sa puwesto. Dito, inaasahang ilalatag ni Marbil ang kaniyang mga direktiba sa mga matataas… Continue reading Bagong PNP Chief, pinangunahan ang kaniyang unang Command Conference

168 PDLs, pinalaya ng BuCor kahapon mula sa iba’t ibang piitan sa bansa

Muling nagpalaya ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) ang Bureau of Corections (BuCor) na nakapiit sa iba’t ibang kulungan sa bansa.   Kinabibilangan ito ng mga: Sa datos ng BuCor, 168 ang pinalaya kahapon na karamihan ay galing New Bilibid Prison sa Muntinlupa.   Pagtititak ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na ito… Continue reading 168 PDLs, pinalaya ng BuCor kahapon mula sa iba’t ibang piitan sa bansa

Pagtatayo ng fishing shelters at port sa WPS at Benham Rise, isinusulong

Isinusulong ng isang party-list representative ang agarang pagpapatibay sa panukalang magtayo ng fishing shelter at port o pantalan sa West Philippine Sea at Philippine Rise (Benham Rise). Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee ang House Bill 9011 o Fishing Shelters and Ports Act ay makakasuporta sa inilabas na Executive Order No. 57 ni Pangulong… Continue reading Pagtatayo ng fishing shelters at port sa WPS at Benham Rise, isinusulong

“Huwag magpadala sa propaganda ng China” — DND Chief sa publiko

Pinaalalahanan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mamamayan na ‘wag magpadala sa propaganda ng China. Sa isang liham, sinabi ng Kalihim na mahalagang tukuyin ang pananagutan ng kung sinuman ang nasa likod ng umano’y “gentlemen’s agreement” sa pagitan ng Pilipinas at China tungkol sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Pero… Continue reading “Huwag magpadala sa propaganda ng China” — DND Chief sa publiko

Ilang kompanya sa Taiwan, binigyan ng residency ang mga Pinoy workers na nagpakita ng kanilang dedikasyon sa trabaho

Nadagdagan pa ang mga kompanya sa Taiwan na nagbibigay ng reward sa kanilang mga Filipino workers dahil sa dedikasyon sa trabaho. Ito ang iniulat ni Chairperson Silvestre Bello III ng Manila Economic and Cultural Office na nakabse sa Taiwan. Sinabi niya na maraming kompanya ang nag-aalok sa kanilang mga Pinoy workers na manirahan na sa… Continue reading Ilang kompanya sa Taiwan, binigyan ng residency ang mga Pinoy workers na nagpakita ng kanilang dedikasyon sa trabaho