Adjusted working hours sa mga LGU, inaprubahan ng Metro Manila Council

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inaprubahan na ng Metro Manila Council ang adjusted working hours ng mga kawani sa mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region. Mula sa dating alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, ini-urong pa ito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon upang makaiwas sa dagsa… Continue reading Adjusted working hours sa mga LGU, inaprubahan ng Metro Manila Council

Inilalabas na heat index levels, dapat nang samahan ng karampatang babala at aksyon gaya ng sa bagyo — mambabatas

Isa pang mambabatas ang nagtutulak na magkaroon na rin ng heat warning levels ang heat index. Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, bagamat naglalabas ang PAGASA ng heat index level na mararanasan ay wala naman itong kaakibat na babala sa kung ano ang maaaring maging epekto at dapat na aksyon ng publiko at LGU. Kaya… Continue reading Inilalabas na heat index levels, dapat nang samahan ng karampatang babala at aksyon gaya ng sa bagyo — mambabatas

Antas ng tubig sa Angat Dam, bumaba pa sa 195.85 meters

Muling nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay nabawasan pa ng 30 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 195.85 meters. Gayunman, malayo-layo pa naman ito sa minimum operating level ng dam na 180… Continue reading Antas ng tubig sa Angat Dam, bumaba pa sa 195.85 meters

Sec. Larry Gadon, hinikayat ang PDEA na kasuhan ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng dokumento laban kay PBBM

Sumulat na si Sec. Larry Gadon ng Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation sa Philippine Drug Enforcement Agency para makasuhan ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng dokumento laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-uugnay sa iligal na droga. Sa kanyang liham, iginiit ni Gadon na sinisira ng pekeng dokumento ang… Continue reading Sec. Larry Gadon, hinikayat ang PDEA na kasuhan ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng dokumento laban kay PBBM

Mga pulis, inatasang gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang heat stroke ngayong mainit ang panahon

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga regional director nito na magpatupad ng “buddy system” sa mga pulis na nakatalaga sa field at nagpapatrolya sa mga komunidad. Ginawa ng PNP Chief ang nasabing atas ay bilang pag-iingat na rin sa mga tauhan nito mula sa mga peligrong dulot ng… Continue reading Mga pulis, inatasang gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang heat stroke ngayong mainit ang panahon

Bulkang Taal, muling nagbuga ng mataas na lebel ng asupre

Mahigpit pa ring binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Taal kasunod ng muling pagbuga nito mataas na antas ng asupre. Sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 9,311 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o asupre ang inilabas ng Bulkang Taal. Nananatili rin ang upwelling ng… Continue reading Bulkang Taal, muling nagbuga ng mataas na lebel ng asupre

Speaker Romualdez, kinilala ang papel ng Muslim community sa pagtataguyod ng bansa kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Fitr

Binigyang pugay ni Speaker Martin Romualdez ang malaking kontribusyon ng Filipino Muslim community sa pagtataguyod ng bansa kasabay ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan o Eid’l Fitr. Aniya, kasabay ng pakikiisa sa selebrasyon ng Eid’l Fitr, ay nararapat lang ding kilalanin ang ambag ng Muslim community sa pagpapayaman ng ating bansa sa pamamagitan… Continue reading Speaker Romualdez, kinilala ang papel ng Muslim community sa pagtataguyod ng bansa kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Fitr

Greenhills Masjid sa San Juan City at iba’t ibang bahagi ng Eastern Metro Manila, dinagsa ng mga kapatid na Muslim ngayong Eid’l Fitr

Dinagsa ng mga kapatid na muslim ang mga open area sa iba’t ibang panig ng Eastern Metro Manila ngayong Eid’l Fitr o ang ganap na pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan. Partikular na tinungo ng mga kapatid na Muslim ang Greenhills Masjid sa San Juan City na siyang tinaguriang kaisa-isang Masjid na inilagay sa… Continue reading Greenhills Masjid sa San Juan City at iba’t ibang bahagi ng Eastern Metro Manila, dinagsa ng mga kapatid na Muslim ngayong Eid’l Fitr

Ilang magulang sa Marikina City, bukas sa mungkahing maglagay ng heat index warning signal

Welcome sa ilang mga magulang ang mungkahi ng pagkakaroon ng heat index warning signals gaya nang ipinatutupad tuwing may bagyo. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Marikina City, sinabi ng ilang magulang na mainam na magkaroon ng hiwalay na warning signal na magiging gabay nila sa mainit na panahon. Iba-iba kasing mga hakbang ang ginagawa… Continue reading Ilang magulang sa Marikina City, bukas sa mungkahing maglagay ng heat index warning signal

‘Danger level’ heat index, asahan sa walong lugar sa bansa ngayong araw -PAGASA

Inaasahang makararanas ng mas mainit na temperatura gayundin ang ‘danger level’ na heat index ang ilang lugar sa bansa ngayong Miyerkules. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng umabot sa 44°C ang pinakamataas na heat index ngayong araw na maitatala sa Dagupan City, Pangasinan. May pitong lugar din ang tatamaan ng hanggang 42-43°C ang… Continue reading ‘Danger level’ heat index, asahan sa walong lugar sa bansa ngayong araw -PAGASA