Nasa may 2 daang American traders, nag-organisa ng dinner meeting para kay PBBM sa Washington

Isang malaking grupo ng mga negosyanteng amerikano ang naghanda ng isang dinner meeting para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa panayam ng Philippine Media delegation Kay Philippine Ambassador to the United States Jose Romualdez, sinabi nitong nasa may 2 daang American businessmen ang nais na makasalamuha ang Pangulo. Mula aniya ito sa US business… Continue reading Nasa may 2 daang American traders, nag-organisa ng dinner meeting para kay PBBM sa Washington

Malacañang, ipinag-utos ang pag-regulate sa issuance ng protocol license plates bilang bahagi ng mga solusyon sa mabigat na trapiko

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong i-regulate ang pag-iisyu ng mga protocol license plates sa mga opisyal ng pamahalaan sa gitna ng kaliwa’t kanang reklamo kaugnay sa pagdami at hindi awtorisadong paggamit nito. Nakasaad sa Executive Order (EO) No. 56, mula sa dating No.16 na plaka, ibababa na lamang hanggang sa No.14… Continue reading Malacañang, ipinag-utos ang pag-regulate sa issuance ng protocol license plates bilang bahagi ng mga solusyon sa mabigat na trapiko

Plano para sa ecommerce ng bansa, pinaguusapan na ayon sa DTI

Pinangunahan ni Trade Sec. Alfredo Pascual ang Ecommerce Promotion Council o EPC kung saan tinalakay dito ang roadmap ng Pilipinas pagdating sa ecommerce mula ngayong taon hanggang 2028. Ayon sa DTI ang naturang pagpupulong ay naglalayon na palawakin pa ang international presence ng mga produktong pilipino gayundin ang mga serbisyong hatid ng bansa.  Nakiisa sa… Continue reading Plano para sa ecommerce ng bansa, pinaguusapan na ayon sa DTI

Imbestigasyon sa pagbagsak ng Robinson R22 helicopter, tiniyak ng Phil. Navy

Tiniyak ng Phil. Navy ang masusing imbestigasyon sa pagbagsak ng kanilang Robinson R22 helicopter sa bisinidad ng Cavite City public market kaninang pasado alas-6 ng umaga. Ito’y upang maiwasang maulit muli ang insidente. Sa isang pahayag, sinabi ni Naval Public Affairs Office Director Commander John Percie Alcos na galing sa Sangley Airport ang naturang helicopter… Continue reading Imbestigasyon sa pagbagsak ng Robinson R22 helicopter, tiniyak ng Phil. Navy

Maritime cooperation sa pagitan ng Phil. Navy, US Pacific Fleet at Japan Maritime Self Defense Force, pinalakas

Isinulong ni Phil. Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang pagpapalakas ng maritime cooperation sa pagitan ng Phil. Navy, US Pacific Fleet (PACFLT) at Japan Maritime Self Defense Force (JMSDF). Ito’y sa kanyang magkakahiwalay na pakikipagpulong kay US Chief of Naval Operations (CNO) Adm. Lisa Franchetti, bagong-talagang PACFLT Commander Adm. Stephen… Continue reading Maritime cooperation sa pagitan ng Phil. Navy, US Pacific Fleet at Japan Maritime Self Defense Force, pinalakas

Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong Pebrero, bumaba ayon sa PSA

Bumaba pa ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan. Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, bumaba pa sa 3.5 percent ang unemployment rate ng bansa nitong Pebrero 2024 o katumbas ng 1.80 milyong Pilipino. Kumpara ito sa 4.5 percent na naitalang unemployment rate… Continue reading Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong Pebrero, bumaba ayon sa PSA

Comprehensive Traffic Management Plan para sa Metro Manila, planong palawakin ng MMDA

Plano pang palawakin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Comprehensive Traffic Mangement Plan para sa National Capital Region (NCR). Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, mas mainam kung ‘synchronize’ ang lahat ng inisyatiba sa traffic engineering at transportation planning upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mas maikling panahon. Paliwanag… Continue reading Comprehensive Traffic Management Plan para sa Metro Manila, planong palawakin ng MMDA

$100-B dollar investment mula US at Japan, potensiyal na halaga ng pamumuhunan na papasok sa bansa sa susunod na 5 taon—PH Ambassador to US Romualdez

Nasa $100 billion na pamumuhunan ang tinatayang papasok sa Pilipinas sa susunod na limang taon. Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose ” Babes” Romualdez sa panayam ng Philippine Media delegation sa Washington. Pagbibigay diin ni Romualdez, hindi sila ang nagbigay ng nasabing projection kundi ang  mga potensiyal na investors mismo, hindi lamang… Continue reading $100-B dollar investment mula US at Japan, potensiyal na halaga ng pamumuhunan na papasok sa bansa sa susunod na 5 taon—PH Ambassador to US Romualdez

SAICT, muling nagkasa ng operasyon sa EDSA Busway sa Mandaluyong City

Hindi bababa sa limang sasakyan ang nasita ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa isinagawa nitong operasyon sa EDSA Busway partikular sa bahagi ng Mandaluyong City. Kabilang na rito ang apat na sasakyang may PNP markings at isang SUV na may plakang “7” na laan para sa mga senador.… Continue reading SAICT, muling nagkasa ng operasyon sa EDSA Busway sa Mandaluyong City

Dagdag na joint investment opportunity sa pagitan ng  Pilipinas at ng Amerika, asahan na sa bilateral meeting nina Pang. Marcos at US President Biden

Inihayag ni US National Security Communications adviser John Kirby na inaasahan ang joint investment opportunity sa nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden. Sa panayam kay Kirby ng Philippine Media delegation, sinabi nitong may dagdag na investment opportunities ang naghihintay para sa Pilipinas. Excited aniya ukol dito si mismong… Continue reading Dagdag na joint investment opportunity sa pagitan ng  Pilipinas at ng Amerika, asahan na sa bilateral meeting nina Pang. Marcos at US President Biden