Sen. Imee Marcos, pinatitiyak na base sa pag-aaral ang work schedule adjustment sa Metro Manila

Iginiit ni Senador Imee Marcos na dapat magkaroon ng aktwal na pag-aaral na magpapatunay na solusyon sa traffic ang adjustment ng work schedule sa Metro Manila. Ang pahayag na ito ng senadora ay kaugnay ng ipinalabas na resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na agahan… Continue reading Sen. Imee Marcos, pinatitiyak na base sa pag-aaral ang work schedule adjustment sa Metro Manila

Sen. Francis Tolentino, pangungunahan ang paghahanap ng hustisya para sa kaso ng inabusong kasambahay na si Elvie Vergara

Pangungunahan ni Senador Francis Tolentino ang pagbibigay ng legal assistance at support para sa inabusong kasambahay na si Elvie Vergara. Ginawa aniya ito ng senador sa pamamagitan ng Philippine Legal Justice Center Inc. (PLJCI) para masiguro na ang kalagayan ni Vergara ay matutugunan. Una nang inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) na sasampahan na nila… Continue reading Sen. Francis Tolentino, pangungunahan ang paghahanap ng hustisya para sa kaso ng inabusong kasambahay na si Elvie Vergara

PNP SAF, handang sumabak sa “forefront” sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa

Handa ang PNP Special Action Force (SAF) na sumabak sa “forefront” sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa, sa gitna ng tensyon sa karagatan ng Pilipinas. Ito ang inihayag ni PNP SAF Director Police Maj. General Bernard Banac sa pagbubukas ng Basic Airborne Course Cl 57-2024 at Parachute Packing Course Cl 15-2024 sa Fort Sto. Domingo,… Continue reading PNP SAF, handang sumabak sa “forefront” sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa

PH, US at Japan nakatakdang magkaroon ng isang partnership para sa Subic-Clark-Manila-Batangas Connector Project

Nakatakdang magkaroon ng trilateral partnership ang Pilipinas, Estados Unidos at Japan para sa Subic-Clark-Manila-Batangas Connector Infrastructure Project sa bansa. Sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang kanyang economic managers sa Trilateral Leaders Summit ng US, Japan at Pilipinas ay napag-usapan ang pagkakaroon ng interconnectivity infrastructure project sa Subic, Clark, Manila at Batangas… Continue reading PH, US at Japan nakatakdang magkaroon ng isang partnership para sa Subic-Clark-Manila-Batangas Connector Project

AFP Chief, nagpaabot ng pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng dalawang nasawing piloto

Ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang kanyang pakikidalamhati sa mga mahal sa buhay ng dalawang pilotong nasawi sa pagbagsak ng Robinsons R22 helicopter ng Philippine Navy kahapon sa Cavite City. Ang dalawang nasawing piloto na sina Lt. Jan Kyle Borres, PN at Ensign Izzah Taccad, PN,… Continue reading AFP Chief, nagpaabot ng pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng dalawang nasawing piloto

OFW party-list, nakidalamhati sa mga Pilipino na nadamay sa sunog sa UAE at Hongkong

Nakikidalamhati ang OFW party-list sa pagkamatay ng isa nating kababayan sa Sharjah District sa United Arab Emirates dahil sa sunog sa isang residential building habang 10 OFWs pa ang nadamay sa sunog kasama ang dalawang bata. Ikinalungkot din ni party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagkasugat ng dalawang OFW sa sunog sa kanilang tirahan… Continue reading OFW party-list, nakidalamhati sa mga Pilipino na nadamay sa sunog sa UAE at Hongkong

Resulta ng pinakahuling Labor Force Survey, patunay na malapit nang makamit ng Pilipinas ang target na “single digit poverty rate”

Photo courtesy of Department of Finance

Binigyan-diin ni Finance Secretary Ralph Recto na ang patuloy na pagbuti ng job market at kalidad ng trabaho para sa mga Pilipino ay hudyat tungo sa pagkamit ng single digit poverty rate sa taong 2028. Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng February Labor Force Survey kung saan bumaba sa 3.5 percent mula 4.8 percent… Continue reading Resulta ng pinakahuling Labor Force Survey, patunay na malapit nang makamit ng Pilipinas ang target na “single digit poverty rate”

US, Japan, kapwa nagpahayag ng suporta sa kaunlaran ng ekonomiya ng PH; Presidential Trade and Investment Mission sa bansa, inanunsyo

Nagpahayag kapwa ang Estados Unidos at Japan ng suporta para sa Pilipinas partikular sa ekonomiya nito. Ang pagpapahayag ng suporta sa Pilipinas ay ginawa sa inilabas na joint statement kung saan inanunsyo rin ang pagkakaroon ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas. Bukod pa dito ang isang bilyong dolyar na private sector investment na… Continue reading US, Japan, kapwa nagpahayag ng suporta sa kaunlaran ng ekonomiya ng PH; Presidential Trade and Investment Mission sa bansa, inanunsyo

Bulkang Taal, nakapagtala ng phreatic eruption ngayong araw

Muling nakitaan ng pagbuga ng usok ang bunganga ng Bulkang Taal ngayong araw. Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS nangyari ang phreatic o steam driven eruption ala-5:11 na nagtagal hanggang ala-5:24 ng umaga kanina. Ayon sa PHIVOLCS, may taas na 2,400 metro ang nakitang white steam-laden plume sa direksyong… Continue reading Bulkang Taal, nakapagtala ng phreatic eruption ngayong araw

Panghuhuli sa mga iligal na gumagamit ng blinker, sirena, flasher at wang-wang, paiigtingin ng PNP

Paiigtingin pa ng Philippine National Police o PNP ang kanilang operasyon laban sa mga sasakyang hindi awtorisadong gumamit ng mga sirena, wang-wang, flashers at blinkers. Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa lahat ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaan na nagbabawal sa paggamit ng mga naturang device. Ayon… Continue reading Panghuhuli sa mga iligal na gumagamit ng blinker, sirena, flasher at wang-wang, paiigtingin ng PNP