Paglobo ng bilang ng mga estudyanteng Chinese sa Cagayan, iimbestigahan ng AFP at PNP

Makikipagtulungan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang napaulat na paglobo ng bilang ng mga estudyanteng Chinese sa Cagayan. Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na aalamin nila ang katotohanan sa naturang balita, at kung may kahina-hinalang pagkilos ang naturang mga dayuhang mag-aaral. Gayunman, sinabi… Continue reading Paglobo ng bilang ng mga estudyanteng Chinese sa Cagayan, iimbestigahan ng AFP at PNP

DAR, mamamahagi ng lupain at support services sa mga magsasaka sa Cagayan Valley

Nakatakda nang ipamahagi bukas (Abril 17) ng Department of Agrarian Reform ang 1,416.35 ektarya ng agricultural lands sa mga magsasaka sa Cagayan Valley region. Asahang aabot sa 901 Agrarian Reform Beneficiaries ang mabibigyan ng titulo ng lupa at support services. Pangungunahan ni Vice President Sara Duterte, Senator Imee Marcos at DAR Secretary Conrado Estrella III… Continue reading DAR, mamamahagi ng lupain at support services sa mga magsasaka sa Cagayan Valley

‘Reciprocal Access Agreement’ sa pagitan ng Japan at Pilipinas, malapit nang matapos —PBBM

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan ay hindi kahalintulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa sa Estados Unidos. Pahayag ito ng Pangulo nang tanungin kung anong bansa ang dapat na magpapanagot sa mga Japanese servicemen na makagagawa ng kasalanan sa Pilipinas,… Continue reading ‘Reciprocal Access Agreement’ sa pagitan ng Japan at Pilipinas, malapit nang matapos —PBBM

Plano ng Pangulo na isama ang Japan sa Baliktan Exercise, “good move” — AFP

Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang “good move” ang plano ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isama ang Japan sa Balikatan Exercise. Ito ang inihayag ni Balikatan Executive Agent Col. Michael Logico sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo ngayong araw. Ayon kay Logico, sa ngayon ay “observer” pa lang ang papel ng… Continue reading Plano ng Pangulo na isama ang Japan sa Baliktan Exercise, “good move” — AFP

PH at US Air Force, nagsanay ng ‘law enforcement skills’

Nagsagawa ng pagsasanay sa ‘law enforcement and combat skills’ ang mga security force specialists ng Philippine at US Air Force. Ang aktibidad ay bahagi ng nagpapatuloy na COPE Thunder 2024 exercise sa pagitan ng dalawang pwersa sa Basa Air Base sa Pampanga. Dito’y nagsanay ang mga kalahok sa hand-to-hand combat techniques partikular sa baton maneuvers,… Continue reading PH at US Air Force, nagsanay ng ‘law enforcement skills’

Luzon at Visayas Grid, isasailalim sa Red at Yellow Alert bunsod ng manipis na suplay ng kuryente

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa Red at Yellow Alert ang Luzon at Visayas Grid ngayong araw. Ito’y ayon sa NGCP ay bunsod na rin ng manipis na suplay ng kuryente dahil sa ‘forced outage’ ng 19 na planta sa Luzon Grid at 12 naman sa Visayas Grid. Ayon… Continue reading Luzon at Visayas Grid, isasailalim sa Red at Yellow Alert bunsod ng manipis na suplay ng kuryente

Mga piloto ng PH at US Air Force, ipinamalas ang kanilang air combat skills

Ipinamalas ng mga piloto ng Philippine at US Air Force ang kanilang air combat skills sa pagpapatuloy ng sabayang pagsasanay ng dalawang pwersa na COPE Thunder 24-1. Gamit ang FA-50 at F-16 aircrafts ay nagsagawa ng Air Combat Maneuvers (ACM) ang mga piloto ng air forces ng Pilipinas at Estados Unidos sa intensive military training… Continue reading Mga piloto ng PH at US Air Force, ipinamalas ang kanilang air combat skills

Crowd at traffic control, paiigtingin ng MMDA ngayong ikalawang araw ng tigil-pasada

Nagdagdag pa ng mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lugar kung saan isinasagawa ang ikalawang araw ng tigil-pasada ng mga grupong MANIBELA at PISTON. Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, personal niyang binabantayan ang sitwasyon mula sa kanilang Inter-Agency Monitoring and Command Center. Sa kasalukuyan aniya ay wala pa… Continue reading Crowd at traffic control, paiigtingin ng MMDA ngayong ikalawang araw ng tigil-pasada

Mahigit ₱20-M, ipinamahagi ng DSWD sa mga benepisyaryo ng ‘Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay Cash For Work Project’

DSWD Caraga nakapagpalabas ng kabuuang ₱20,014,750 na pondo sa isinagawang payout ng short-term cash allowance para sa 11,437 target beneficiaries mula sa 21 barangay sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur. Ito ay sa ilalim ng ipinapatupad na Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Cash-For-Work (KKB-CFW) project. Umabot sa apat na araw ang pamamahagi ng… Continue reading Mahigit ₱20-M, ipinamahagi ng DSWD sa mga benepisyaryo ng ‘Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay Cash For Work Project’

Mga magsasaka sa Sibagat, Agusan del Sur, nabigyan ng makinarya para sa irigasyon

Pormal na ibinahagi ni Sibagat Vice Mayor Maria Liza Evangelista ang bagong pump at engine set sa mga magsasakang miyembro ng Afga Diversified Farmers Association sa layuning masustine ang patubig at maibsan ang epekto ng nararanasang tagtuyot sa mga pananim. Ang simpleng turn over ceremony ay ginanap sa Municipal Agriculture Office sa Sibagat, Agusan del… Continue reading Mga magsasaka sa Sibagat, Agusan del Sur, nabigyan ng makinarya para sa irigasyon