₱204k na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam ng mga awtoridad sa Iligan City

Nasabat ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 30 gramo na tinatayang nasa ₱204,000 na halaga ng hinihinalang shabu mula sa 29-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation nitong Biyernes, Abril 12 sa isang hotel sa Iligan City. Batay sa ulat, narekober sa suspek ang apat (4) na large size, at dalawang (2) medium size na mga… Continue reading ₱204k na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam ng mga awtoridad sa Iligan City

3 miyembro ng DI-Maute, na-nutralisa ng militar sa Munai, Lanao del Norte

Na-nutralisa ng militar ang tatlo (3) mula sa pitong (7) miyembro ng Dawlah-Islamiyah Maute Group sa nangyaring bakbakan nitong Sabado, Abril 13 sa Barangay Lindongan, Munai, Lanao del Norte. Samantala, isang (1) militar naman ang nagtamo ng sugat at nasamsam ang tatlong M14 rifle mula sa pinangyarihan ng naturang engkwentro. Ayon sa militar, kinilala ang… Continue reading 3 miyembro ng DI-Maute, na-nutralisa ng militar sa Munai, Lanao del Norte

Senate inquiry tungkol sa epekto ng mining at quarrying activities sa bansa, isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros

Pinaiimbestigahan ni Senadora Risa Hontiveros ang environmental at social impact ng mining at quarrying activities sa bansa sa gitna ng mga naganap na insidenteng iniuugnay dito. Sa inihaing Senate Resolution 989 ni Hontiveros, nais nitong makapagkasa ng ‘investigation in aid of legislation’ ang kinauukulang komite ng Senado tungkol sa serye ng mga trahedya na may… Continue reading Senate inquiry tungkol sa epekto ng mining at quarrying activities sa bansa, isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros

Sen. Bong Revilla, pinapanagot ang Maynilad para sa sinkhole sa Pasay

Nais ni Senate Committee on Public Works Chairperson, Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na pagmultahin ang maynilad at ang mga kontraktor nito dahil sa malaking ‘sinkhole’ na lumabas sa gitna ng Sales Road sa Pasay City nitong linggo. Base sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang sinkhole ay resulta ng tagas… Continue reading Sen. Bong Revilla, pinapanagot ang Maynilad para sa sinkhole sa Pasay

DFA, muling siniguro ang kaligtasan ng Pinoy seafarers na sakay ng MSC Aries na sinalakay ng Iranian authorities

Muling siniguro ng Department of Foreign Affairs ang kaligtasan ng Filipino seafarers na napabilang sa MCS Aries na nasamsam ng Islamic Revolution Guard Group sa Hormuz Strait. Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, nasa mabuting kalagayan ang mga naturang marino at inaasahan na papakawalan na ito sa mga susunod na… Continue reading DFA, muling siniguro ang kaligtasan ng Pinoy seafarers na sakay ng MSC Aries na sinalakay ng Iranian authorities

Ikalawang araw ng tigil-pasada ng MANIBELA at PISTON, hindi ramdam sa Pasig City

Balik-pasada na ang mga miyembro ng PISTON sa Pasig City ngayong ikalawang araw ng tigil-pasada kasama ang MANIBELA. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang tsuper na sapat na ang kanilang pakikilahok kahapon at kumpiyansa naman na silang naiparating na nila ang kanilang saloobin. Anila, kailangan nang bumalik sa pamamasada ngayong araw dahil sa… Continue reading Ikalawang araw ng tigil-pasada ng MANIBELA at PISTON, hindi ramdam sa Pasig City

BuCor, pinasinayaan ang bagong barracks at opisina ng Inter-agency Operation Center

Pinasinayaan ng Bureau of Corrections ang bagong barracks at opisina ng Inter-agency Operations Center na susugpo sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison. Kapwa lumagda ng memorandum of agreement ang BuCor, PNP at PDEA at NBI upang magsama-sama sa pagsupo ng iligal na droga hindi lamang sa New Bilibid Prison maging sa iba’t ibang… Continue reading BuCor, pinasinayaan ang bagong barracks at opisina ng Inter-agency Operation Center

Pulis na nanguna sa operasyon na nagresulta sa pagkakasabat ng 2 toneladang shabu sa Batangas, binigyan ng spot promotion

Pinapurihan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang matagumpay na operasyon ng Pulisya matapos masabat ang aabot sa dalawang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13 bilyon sa Alitagtag, lalawigan ng Batangas kahapon. Dahil dito, agad na ginawaran ng spot promotion ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr. ang nanguna sa operasyon… Continue reading Pulis na nanguna sa operasyon na nagresulta sa pagkakasabat ng 2 toneladang shabu sa Batangas, binigyan ng spot promotion

AFP, muling tiniyak ang kanilang katapatan sa Saligang Batas at sa mga Pilipino

Tinabla ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panawagan ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga Sundalo at Pulis na talikuran na ang Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa ika-50 anibersaryo ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na mananatili… Continue reading AFP, muling tiniyak ang kanilang katapatan sa Saligang Batas at sa mga Pilipino

Posibleng kaso laban sa mambabatas na nanawagan ng pagbibitiw ng suporta ng sundalo at pulis sa administrasyon, pag-aaralan ng PNP

Pag-aralan ng Philippine National Police (PNP) kung posibleng makasuhan ng inciting to sedition si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez dahil sa kanyang ginawang panawagan sa mga sundalo at pulis na magbitiw ng suporta sa administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, titignan ng… Continue reading Posibleng kaso laban sa mambabatas na nanawagan ng pagbibitiw ng suporta ng sundalo at pulis sa administrasyon, pag-aaralan ng PNP