Sampung priority bills, target maipasa ng Senado bago ang SONA ni PBBM sa Hulyo

Nasa sampung panukalang batas ang nakatakdang aprubahan ng Senado oras na muling magbukas ang kanilang sesyon sa april 29 ayon kay Senate majority leader Joel Villanueva. Aminado naman ang majority leader na maiksi lang ang panahon nila para magpasa ng mga panukalang batas, lalo na ng mga priority measures. Gayunpaman, sisikapin aniya nilang aprubahan ang… Continue reading Sampung priority bills, target maipasa ng Senado bago ang SONA ni PBBM sa Hulyo

Sen. Revilla, ooperahan bukas dahil sa natamo nitong injury

Sasailalim bukas sa isang medical procedure si Sen Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. dahil sa natamo nitong Achilles tendon injury. Ang Achilles tendon ay ang buto sa likod ng binti malapit sa sakong. Ayon Kay Revilla, tatagal ng apat na oras ang operasyon para ayusin ang tinamo niyang injury. Napag-alaman na tatagal ng tatlo hanggang 5… Continue reading Sen. Revilla, ooperahan bukas dahil sa natamo nitong injury

Insidente ng pananambang sa 4 na sundalo sa Maguindanao del Sur, nais imbestigahan ni Sen. Estrada

Pinaiimbestigahan ni Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada nangyaring pananambang sa apat na sundalo noong Marso 17 sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur. Ito ay para aniya suriin ang kasalukuyang estado ng seguridad at kaayusan sa katimugang rehiyon ng bansa. Ayon kay Estrada, sa kabila ng mga nagawa na kahanga-hanga at matagumpay… Continue reading Insidente ng pananambang sa 4 na sundalo sa Maguindanao del Sur, nais imbestigahan ni Sen. Estrada

Mga PUV operator at driver na hindi magko-consolidate hanggang sa April 30, ituturing nang colorum at huhulihin sa May 1 – DOTr

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na ituturing nang colorum at huhulihin na simula sa May 1 ang mga public utility vehicle (PUV) operator at driver na hindi magco-consolidate o magsama-sama sa isang kooperatiba o korporasyon hanggang sa April 30. Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista. Ayon sa kalihim, hindi na ma-rerenew ang… Continue reading Mga PUV operator at driver na hindi magko-consolidate hanggang sa April 30, ituturing nang colorum at huhulihin sa May 1 – DOTr

DMW, nagbabala sa mga OFW at kanilang pamilya laban sa mga investment scam

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko, lalo na sa mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang pamilya, laban sa mga scam na nagpapanggap na lehitimong investment platforms. Ayon sa DMW, ang mga scammer na ito ay nambibiktima ng mga OFW sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na gawain, gaya ng paggamit ng clickbait… Continue reading DMW, nagbabala sa mga OFW at kanilang pamilya laban sa mga investment scam

Private lawyer at isa pang kabilang sa big-time drug pushers, naaresto ng QCPD

Naaresto na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang big time drug pushers, at nakumpiska ng P1.373 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Lungsod Quezon. Kinilala ni QCPD-DDEU OIC Police Major Wennie Ann Cale ang mga drug personality na sina Atty. Camilo Montesa IV, 57 taong gulang, residente ng Brgy.… Continue reading Private lawyer at isa pang kabilang sa big-time drug pushers, naaresto ng QCPD

DOTr, MMDA, DILG at PNP, nagsanib-pwersa para paigtingin ang operasyon vs mga kolorum na sasakyan

Nagsanib pwersa ang Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP). Ito ay upang paigtingin ang operasyon laban sa mga kolorum na sasakyan. Magkakasamang lumagda sa kasunduan sa Camp Crame sa Quezon City sina Transportation Secretary Jaime Bautista, MMDA Acting Chairperson… Continue reading DOTr, MMDA, DILG at PNP, nagsanib-pwersa para paigtingin ang operasyon vs mga kolorum na sasakyan

Tobacco farmers, nakapagbenta na ng mataas na presyo ng kanilang produkto – National  Tobacco Administration

Naibebenta na ng tobacco farmers sa mataas na presyo ang kanilang produkto sa mga buying station ngayong season. Sa ulat ng National Tobacco Administration (NTA), kabilang sa mga produktong ito ay ang flue-cured Virginia tobacco leaves, at ang air-cured burley at native tobacco leaves. Base sa latest monitoring ng NTA sa tobacco trading operations, umabot… Continue reading Tobacco farmers, nakapagbenta na ng mataas na presyo ng kanilang produkto – National  Tobacco Administration

“123 Agreement” at kalakalan, kabilang sa napag-usapan sa pulong ni Speaker Romualdez at US Rep. Gary Palmer

Sumentro sa pinalakas na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos sa larangan ng nuclear energy at kalakalan ang naging pulong nina Speaker Martin Romualdez at Albama 6th District Rep. Gary Palmer nitong April 16 oras sa Amerika. Si Palmer ay miyembro ng U.S. House Committee on Energy and Commerce at Committee on Oversight and Accountability.… Continue reading “123 Agreement” at kalakalan, kabilang sa napag-usapan sa pulong ni Speaker Romualdez at US Rep. Gary Palmer

DSWD, palalakasin ang kapayapaan at development programs para sa mga dating rebelde sa Sorsogon

Sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ika-4 na leg ng benchmarking study sa mga dating rebelde sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Arnel Garcia, ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng ahensya na pahusayin ang peace and development initiatives nito.… Continue reading DSWD, palalakasin ang kapayapaan at development programs para sa mga dating rebelde sa Sorsogon