Mga magulang, hinimok na kumawala sa takot ng pagbabakuna para maprotektahan ang kanilang mga anak mula Pertussis

Hinikayat ngayon ni Iloilo Rep. Janette Garin ang mga magulang na lumaya mula sa kanilang takot at pangamba sa bakuna. Ito’y sa gitna ng pagtaas sa kaso ng Pertussis sa bansa. Ayon kay Garin na nagsilbi bilang dating DOH secretary, dapat nang iwaksi ng mga magulang ang kanilang takot at pabakunahan ang kanilang mga anak.… Continue reading Mga magulang, hinimok na kumawala sa takot ng pagbabakuna para maprotektahan ang kanilang mga anak mula Pertussis

Sen. Gatchalian, nanawagan sa DOE at sa lahat ng nasa power sector na maging proactive sa pagtugon sa suplay ng kuryente ngayong tag init

Hindi katanggap-tanggap para kay Senador Sherwin Gatchalian ang pag-abot sa red alert status ng Luzon grid at yellow alert ng Visayas grid. Ayon kay Gatchalian, nakakaalarma ang sitwasyong ito. Giniit ng senador, na paulit-ulit na siyang nanawagan sa Department of Energy (DOE) na magpatupad ng kinakailangang contingency plans para makaagapay pa rin sakaling may isa… Continue reading Sen. Gatchalian, nanawagan sa DOE at sa lahat ng nasa power sector na maging proactive sa pagtugon sa suplay ng kuryente ngayong tag init

Ugnayan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, gumugulong na, kaugnay sa napaulat na pagdami ng Chinese students sa Cagayan

Nakikipag-ugnayan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, kaugnay sa napabalitang pagdami ng bilang ng Chinese students sa Cagayan. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni AFP Col. Francel Padilla na lahat ng ulat na posibleng magkaapekto sa national security ng Pilipinas ay sini-seryoso ng kanilang hanay. Ito aniya… Continue reading Ugnayan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, gumugulong na, kaugnay sa napaulat na pagdami ng Chinese students sa Cagayan

Pamahalaan, siniguro ang malakas na rice production ng Pilipinas, sa kabila ng manipis na stock ng NFA

Hindi dapat ikabahala ng publiko ang manipis na supply o stock ng bigas sa ilalim ng National Food Authority (NFA). Ito ayon kay NFA OIC Director Larry Lacson, ay dahil malakas naman ang produksyon ng bigas sa bansa. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na nasa 42, 000 metric tons ng bigas ang nasa… Continue reading Pamahalaan, siniguro ang malakas na rice production ng Pilipinas, sa kabila ng manipis na stock ng NFA

Mga buntis, tinulungan na makapagsimula ng negosyo sa Nanay Fair sa Las Piñas City

Nag-alok ng libreng baking seminar ang tanggapan ni Las Piñas Representative Camille Villar para sa mga nanay at mga buntis. Sa pagbisita ng Nanay Fair sa Barangay Mayo Uno, nabahagian ang nasa 100 expectant mothers ng pagkakataon na matuto kung paano mag-bake upang makatulong sa kanilang pangkabuhayan. Maliban dito ay nabigyan din sila ng pre-natal… Continue reading Mga buntis, tinulungan na makapagsimula ng negosyo sa Nanay Fair sa Las Piñas City

Mga naging biyahe ni PBBM sa ibang bansa, nakatulong sa naitalang pagtaas sa foreign direct investment ng Pilipinas

Iniugnay ni ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Reyes ang pagtaas sa foreign direct investment ng Pilipinas sa mga naging biyahe ng Pangulong Fedinand R. Marcos Jr. sa ibang bansa. Ayon sa mambabatas, bilang ‘chief salesman’ ng bansa ang Pangulo, ay nakinabang ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga naging biyahe nito na pinatunayan ng 90% na pagtaas… Continue reading Mga naging biyahe ni PBBM sa ibang bansa, nakatulong sa naitalang pagtaas sa foreign direct investment ng Pilipinas

3 flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang tatlong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dahil sa masamang panahon sa Dubai. Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 659 na biyaheng Dubai papuntang Maynila. Gayundin ang mga biyahe ng Cebu Pacific Air flight 5J 015 at 5J… Continue reading 3 flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Anti wang-wang bill, inihain sa Senado

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang panukalang batas na magbabawal sa hindi otorisadong paggamit at pagbebenta ng mga wang-wang o sirena, blinkers at iba pang signaling devices sa mga sasakyan. Ayon kay Villanueva, inihain niya ang panukalang ito alinsunod na rin sa ibinabang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa… Continue reading Anti wang-wang bill, inihain sa Senado

Security forces sa Cagayan, nilinaw na walang banta sa pambansang seguridad bunsod ng presensya ng mga Chinese student sa probinsya

Nilinaw ng Security Forces sa probinsya ng Cagayan na walang banta sa seguridad na maaaring iugnay sa mga Chinese student na nasa lalawigan.  Resulta ito ng isinagawang pulong ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), Philippine Marines, National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang kaukulang ahensya sa lalawigan. Ginawa ng mga ahensya ang… Continue reading Security forces sa Cagayan, nilinaw na walang banta sa pambansang seguridad bunsod ng presensya ng mga Chinese student sa probinsya

Higit 150,000mt na karagdagang rice capacity ng bansa, asahan sa ilalim ng ₱10 billion approved budget ng NFA

Ilalaan ng National Food Authority (NFA) ang ₱10 billion na approved budget nito sa pagtatayo ng mga kinakailangang pasilidad sa pagsasaka, tulad ng post-harvest facility, warehouses, dryers, milling facility, at silos. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni NFA Director Lary Lacson na dapat ay nasa 495, 000 metric tons ng ani o palay ang kapasidad… Continue reading Higit 150,000mt na karagdagang rice capacity ng bansa, asahan sa ilalim ng ₱10 billion approved budget ng NFA