House panel chair, nakipagpulong sa Iranian ambassador para tiyakin ang kaligtasan ng apat na Pinoy seafarers na lulan ng MSC Aries

Nakipagpulong si House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo kay Iranian Ambassador Yousef Esmaeil Zadeh upang masiguro ang kaligtasan ng apat na Pinoy seafarers lulan ng barkong hinarang ng Iranian Navy noong April 14. Nakakuha ng commitment si Salo mula kay Ambassador Zadeh na titiyakin ng Iran ang kapakanan ng apat na Pilipinong… Continue reading House panel chair, nakipagpulong sa Iranian ambassador para tiyakin ang kaligtasan ng apat na Pinoy seafarers na lulan ng MSC Aries

Art installation kontra plastic waste, binuksan sa QC

Bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya kontra plastic pollution, ay binuksan ng Quezon City Govt ang “Wave of Change” na isang art installation sa QC Hall. Isa itong 12-feet na art exhibit gawa sa libo-libong plastic straws at iba pang single-use plastics tulad ng plastic bag, plastic utensils, at containers na bawal ipagamit sa mga… Continue reading Art installation kontra plastic waste, binuksan sa QC

Hanggang 45°c heat index, posibleng tumama sa Aborlan, Palawan ngayong Huwebes -PAGASA

Nasa ‘danger’ level pa rin na heat index o alinsangan ang inaasahang mararamdaman sa maraming lugar sa bansa ngayong araw. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 45°C ang pinakamataas na heat index ngayong araw at ito ay maitatala sa bahagi ng Aborlan sa Palawan. Hanggang 42-44°C heat index din ang… Continue reading Hanggang 45°c heat index, posibleng tumama sa Aborlan, Palawan ngayong Huwebes -PAGASA

Comelec, maghahain ng motion for reconsideration kaugnay sa desisyon ng SC na makasali ang Smartmatic sa mga susunod na bidding

Inihahanda na ng Commission on Election ang ipadadala nitong komunikasyon sa Office of Solicitor General para maghain ng motion for reconsideration sa Supreme Court kaugnay sa desisyon nito para makasali sa mga susunod na bidding ang Smartmatic. Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kakausapin nila ang SolGen para sila ay katawanin sa nasabing isyu.… Continue reading Comelec, maghahain ng motion for reconsideration kaugnay sa desisyon ng SC na makasali ang Smartmatic sa mga susunod na bidding

Pagdami ng Chinese students sa Cagayan, pinapasilip ng isang mambabatas

Pinatututukan ngayon ng isang mambabatas ang pagdami ng bilang ng Chinese nationals na nag-aaral sa bansa, partikular na sa Cagayan. Ayon kay Cagayan Rep. Jojo Lara, layon ng kaniyang House Resolution 1666 na alamin kung bakit biglang dumami ang foreign students sa kanilang lalawigan na pawang Chinese nationals. Bago ito ay nakipagpulong na aniya siya… Continue reading Pagdami ng Chinese students sa Cagayan, pinapasilip ng isang mambabatas

Mataas na trust at performance rating sa OCTA survey, ikinalugod ng DSWD

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naging resulta ng 1st Quarter Tugon ng Masa (TNM) public satisfaction and trust rating survey kung saan kasama ang ahensya sa mga nanguna bilang ‘most trusted’ at ‘best-performing’ na ahensya sa bansa. Batay sa TNM survey na isinagawa ng OCTA Research mula March 11 to… Continue reading Mataas na trust at performance rating sa OCTA survey, ikinalugod ng DSWD

Bilang ng mga e-bike at tricycle na dumaraan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila sa unang araw ng panghuhuli nito, pumalo sa 131 ayon sa MMDA

Aabot sa 131 na mga e-bike, e-trike, tricycle at pedicab ang nahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng kanilang panghuhuli kahapon. Batay ito sa monitoring ng ahensya sa maghapon nilang operasyon mula ala-6 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon. Sa datos ng MMDA, pinakamarami sa mga nahuli ay… Continue reading Bilang ng mga e-bike at tricycle na dumaraan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila sa unang araw ng panghuhuli nito, pumalo sa 131 ayon sa MMDA

DILG at PNP, may babala sa mga miyembro ng uniformed personnel na nag-ooperate ng kolorum na mga sasakyan

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na agad isumbong kung may mga miyembro man ng unipormadong hanay ang nag-ooperate ng mga kolorum na sasakyan. Ito ang tinuran ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr. makaraang selyuhan ang pagsasanib puwersa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para supilin ang pamamayagpag ng… Continue reading DILG at PNP, may babala sa mga miyembro ng uniformed personnel na nag-ooperate ng kolorum na mga sasakyan

San Juan City LGU, nagpaabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasawing fire volunteer sa sunog sa Brgy. Batis kamakalawa

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang sakripisyo at kabayanihan ng fire volunteer na si Chasper Kenneth Alcantara Oliver. Nasawi ang 25-anyos na si Chasper o CK habang tumutugon sa tawag ng tungkulin bilang fire volunteer at kabilang din sa mga unang rumesponde sa sunog sa Brgy. Batis kamakalawa. Sa kaniyang pahayag, inilarawan ni… Continue reading San Juan City LGU, nagpaabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasawing fire volunteer sa sunog sa Brgy. Batis kamakalawa

OCD, nagpatulong sa NBI laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng ahensya

Humingi ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng ahensya sa mga ilegal na transaksyon. Sa isang advisory ng OCD, binalaan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang publiko na wag makipag-transaksyon sa mga grupo o indibidual na nag-aalok ng… Continue reading OCD, nagpatulong sa NBI laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng ahensya