Philippine Coast Guard, maglalagay ng Radar Tower sa Candon Ilocos Sur

Naghahanda na ang Philippine Coast Guard sa paglalagay ng Radar Tower sa bayan ng Candon sa Ilocos Sur matapos itong pumirma sa deed of usufruct sa Pamahalaang Lokal. Ang pirmahan ng deed of usufruct ay pinangunahan ng Coat Guard District North Western Luzon at Candon City Mayor Eric Singson. Ayon kay Coast Guard Captain Ivan… Continue reading Philippine Coast Guard, maglalagay ng Radar Tower sa Candon Ilocos Sur

Luzon at Visayas grid, isasailalim muli sa yellow at red alert ngayong Biyernes

Simula ngayong tanghali ay muling inilagay sa yellow at red alert na naman ang Luzon at Visayas grid. Ito na ang ikaapat na sunod na araw na inilagay sa alert status ang Luzon at Visayas grid dahil sa kakapusan ng reserba sa kuryente. Sa abiso ng NGCP, magsisimula ang Yellow alert sa Luzon Grid mamayang… Continue reading Luzon at Visayas grid, isasailalim muli sa yellow at red alert ngayong Biyernes

Lebel ng tubig sa anim na Luzon dams, bumaba

Patuloy pa ring bumababa ang lebel ng tubig sa mayorya ng mga dam sa Luzon na binabantayan ng PAGASA Hydromet Division. Kabilang dito ang Angat dam na nabawasan ng 40 sentimetro kaya bumaba pa sa 192.52 meters ang lebel ng tubig batay sa update kaninang alas-sais ng umaga. Ito ang may pinakamalaking tapyas sa tubig… Continue reading Lebel ng tubig sa anim na Luzon dams, bumaba

Kauna-unahang babaeng presidente at COO ng PAGCOR, nanumpa na sa tungkulin

Mismong sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin nanumpa ng kanyang Oath of Office si Atty. Wilma Eisma bilang bagong Pangulo at Chief Operating Office ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ayon kay PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco, masaya sila sa pagtanggap kay Eisma bilang kauna-unahang babaeng PAGCOR president at COO. Kumpiyansa din si Tengco… Continue reading Kauna-unahang babaeng presidente at COO ng PAGCOR, nanumpa na sa tungkulin

Earthquake drills at outdoor NSTP, pinahihinto muna ng isang mambabatas

Nakiusap si Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera sa NDRRMC na ipagpaliban muna mga ang earthquake at fire drills na naka-schedule gawin ngayong panahon ng tag-init. Kasabay nito ay pinaalalahanan din ng mambabatas ang mga school principals at administrators na huwag ibilad sa araw ang mga bata gaya ng sa mga aktibidad na open-air PE… Continue reading Earthquake drills at outdoor NSTP, pinahihinto muna ng isang mambabatas

DILG, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang ‘Super Kadiwa’ stores

Hinimok ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga residente ng Metro Manila na bisitahin ang mga ‘Super Kadiwa’ centers na nagbebenta ng P39 kada kilo ng bigas at iba pang agri-fishery products sa mas murang halaga. Ang ‘Super Kadiwa’, ay bahagi ng Kadiwa ng Pangulo, na sinimulan ngayong Abril at iikot sa… Continue reading DILG, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang ‘Super Kadiwa’ stores

P2.5-B emergency loan, ikinasa na ng GSIS para sa mga biktima ng pertussis outbreak at El Niño phenomenon

Naglaan ng P2.5 bilyon ang Government Service Insurance System (GSIS) para gamitin bilang emergency loan. Layon nito na matulungan ang mga miyembro at pensioners na naapektuhan ng pertussis outbreak sa mga probinsya ng Cavite at ng El Niño phenomenon sa probinsya ng Occidental Mindoro. Ayon sa GSIS, ang deadline ng filing para sa nasabing loan… Continue reading P2.5-B emergency loan, ikinasa na ng GSIS para sa mga biktima ng pertussis outbreak at El Niño phenomenon

Reklamo ukol sa ‘wiper boys’, tinugunan ng QC LGU

Agad inaksyunan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang reklamo ng ilang motorista sa mga kalalakihang umiikot sa Quezon Avenue para sapilitang maglinis ng windshield ng mga sasakyang nakahinto sa traffic light.                                                                                                                  Batay sa reklamo, bigla na lamang lalapit ang “Wiper Boys” sa mga sasakyan at bubuhusan ng tubig na may sabon ang mga… Continue reading Reklamo ukol sa ‘wiper boys’, tinugunan ng QC LGU

Presyuhan ng baboy sa Pasig City Mega Market, nananatiling mataas

Nananatiling matumal ang bentahan ng karne ng baboy sa Pasig City Mega Market bunsod na rin sa mataas na presyo nito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nabatid na nasa P320 ang presyo ng kada kilo ng kasim habang nasa P380 ang kada kilo ng liempo. Gaya sa Marikina Public Market, tila ito na ang prevailing… Continue reading Presyuhan ng baboy sa Pasig City Mega Market, nananatiling mataas

LRT line 2, may handog na libreng sakay para sa mga solo parent kaalinsabay ng Solo Parent’s Day

Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na maghahandog ng libreng sakay ang LRT line 2 para sa mga solo parent bukas, Sabado, Abril 20. Ito’y bilang pakikiisa ng LRTA sa pagdiriwang ng National Solo Parent’s Day. Dahil dito, libreng makasasakay ang mga solo parent mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at masusundan… Continue reading LRT line 2, may handog na libreng sakay para sa mga solo parent kaalinsabay ng Solo Parent’s Day