Bangkay na nakasilid sa sako, natagpuan sa Payatas

Isang bangkay na nakasilid sa sako ang natagpuan sa isang residential area sa Poinsetia, Blk 6, Gravel Pit, Abris St. Brgy. Payatas A, Quezon City. Sa panayam ng RP1 sa ilang mga residente, alas-3 ng madaling araw unang napansin ang sako sa gilid ng eskinita. Sa pagaakalang isa itong basura, isinawalang bahala lang ito hanggang… Continue reading Bangkay na nakasilid sa sako, natagpuan sa Payatas

PNP-ACG, tumutulong na para tukuyin ang nasa likod ng deepfake video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kumikilos na rin ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) para tuntunin kung sino ang nasa likod ng kumalat na deep fake video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay PNP-ACG Director, PBGen. Sidney Hernia, hiniling na nila sa pamunuan ng Youtube ang preservation ng datos ng channel na may pangalang “Dapat Balita” habang… Continue reading PNP-ACG, tumutulong na para tukuyin ang nasa likod ng deepfake video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Paggamit sa renewable energy, dapat palakasin sa gitna ng magkakasunod na araw ng manipis na suplay ng reserbang kuryente

Naniniwala ang ilang kinatawan sa Kongreso na panahon nang i-tap ang iba pang pagkukunan ng suplay ng kuryente gaya ng renewable energy. Bunsod na rin ito ng magkakasunod na araw na pagsasailalim sa alert status ng Luzon at Visayas grid, maging ng Mindanao. Ayon kay Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores dapat pinaplano talaga ang suplay… Continue reading Paggamit sa renewable energy, dapat palakasin sa gitna ng magkakasunod na araw ng manipis na suplay ng reserbang kuryente

P150 legislated wage hike, muling iginiit ng labor groups

Muling kinalampag ng ilang labor groups ang Kongreso na isabatas na ang panukalang dagdag na P150 na daily wage. Ang panawagang ito ay bahagi ng kanilang mga gagawing pagkilos sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1. Sabi ng grupong National Wage Coalition, hindi na kinakaya ng mga manggagawa ang mahal na bilihin at hindi na… Continue reading P150 legislated wage hike, muling iginiit ng labor groups

Luzon at Visayas grid, muling isasailalim sa yellow alert

Muling naglabas ng abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng panibagong alert status sa Luzon at Visayas Grid ngayong araw. Dahil sa kakapusan ng reserba sa kuryente, muling isasailalim sa yellow alert ang Luzon at Visayas Grid simula mamayang ala-1 ng hapon. Iiral ang yellow alert sa Luzon Grid: 1:00PM-5:00PM7:00PM-11:00PM Habang… Continue reading Luzon at Visayas grid, muling isasailalim sa yellow alert

Nadamay na National IDs sa sunog sa Davao, pinalitan ng PSA

Pinalitan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga nasirang National IDs ng mga residenteng apektado ng sunog kamakailan sa Davao City. Ayon sa PSA, nasa kabuuang 26 residenteng nakarehistro sa Barangay Leon Garcia ang nakatanggap na ng bagong National IDs. Ipinunto ni PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa na mahalagang agad na matugunan at… Continue reading Nadamay na National IDs sa sunog sa Davao, pinalitan ng PSA

Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook, nangakong pananatilihing sapat at abot-kaya ang pangunahing bilihin

Nananatiling committed ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook na maabot ang target nitong gawing sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin at gawin pa rin itong abot-kaya. Ito’y sa kabila ng patuloy na tumataas na presyo ng bilihin partikular na ang mga produktong agrikultural bunsod na rin ng epekto ng El Niño gayundin… Continue reading Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook, nangakong pananatilihing sapat at abot-kaya ang pangunahing bilihin

Mga preparasyon para sa pagsasara ng EDSA-Kamuning flyover southbound, nagpapatuloy

Nagsimula na ang mga inisyal na paghahanda para sa nakatakdang pagsasara ng EDSA Kamuning flyover southbound sa May 1 para sa retrofitting nito. Sa ilalim ng tulay, ikinakabit na ang mga scaffolding at nakalatag na rin ang mga traffic advisory at road safety devices. Katunayan, may ilang nakapaskil na ring mga advisory sa kahabaan ng… Continue reading Mga preparasyon para sa pagsasara ng EDSA-Kamuning flyover southbound, nagpapatuloy

50,000 Muslim constituents ng QC, sama-samang nakikinabang sa Halal efforts ng QC LGU

Sa pangunguna ng Quezon City bilang Local Government Unit partner para sa Halal awareness campaign ng Department of Trade and Industry, itinampok dito ang kauna-unahang Halal-friendly trade fair, ilang linggo matapos ang Eid’l Fitr. Tampok sa nasabing trade fair ang mga produktong halal mula sa pagkain, cosmetics, mga damit, frozen at non-frozen meat at marami… Continue reading 50,000 Muslim constituents ng QC, sama-samang nakikinabang sa Halal efforts ng QC LGU

Malaking agwat sa farmgate at retail price ng batayang bilihin, ipasisiyasat sa Kamara

Itinutulak ngayon ni Speaker Martin Romualdez na maimbestigahan ang lumalaking agwat sa farmgate at retail price ng bigas at iba pang pangunahing bilihin sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo. Ito’y matapos sabihin ng mga kinatawan ng mga retailer, producer, at grocery stores sa ipinatawag niyang pulong na hindi naman sila nagtataas ng… Continue reading Malaking agwat sa farmgate at retail price ng batayang bilihin, ipasisiyasat sa Kamara