‘Danger’ level heat index, tatama sa 38 lugar sa bansa ngayong araw

Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na inaasahang makararanas ng matinding heat index o damang init ngayong Huwebes, April 25. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 47°C ang pinakamataas na heat index ngayong araw. Ito ay posibleng tumama sa Sangley Point sa Cavite kung saan din naitala ang pinakamataas… Continue reading ‘Danger’ level heat index, tatama sa 38 lugar sa bansa ngayong araw

NFA, ikinalugod ang pagtangkilik ng mga magsasaka sa bagong palay buying price

Ikinatuwa ni NFA Acting Administrator Dr. Larry del Rosario Lacson ang pagtangkilik ng mga magsasaka sa ipinatupad na mas mataas na buying price ng palay. Nasaksihan ito mismo ni Lacson sa kanyang pag-iikot sa ilang NFA warehouse sa Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija. Ayon kay Lacson, magandang balita na maraming magsasaka ang nagbebenta muli ng… Continue reading NFA, ikinalugod ang pagtangkilik ng mga magsasaka sa bagong palay buying price

Tatlong Centenarian mula sa Taguig, tumanggap ng P100-K cash gift

Binigyang pugay at pagkilala ng Pamahalaang Lungod ng Taguig ang 3 nilang senior citizen na nagdiriwang ng kanilang sentenaryo o ika-100 taong gulang kamakailan. Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, bahagi ito ng kanilang programa para sa mga tinaguriang “Centenarian ng Lungsod” na mabigyang benepisyo dahil sa di pangkaraniwang pagkakataong ito. Dahil diyan, personal… Continue reading Tatlong Centenarian mula sa Taguig, tumanggap ng P100-K cash gift

Manhunt para kay Pastor Quiboloy, pinalawak sa buong bansa

Pinalawak na ng Philipppine National Police (PNP) sa buong bansa maliban sa Davao Region ang manhunt para kay Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong-balitaan sa Manila Hotel kahapon, kasabay ng pagsabi na bina-validate ng kanilang mga tracker teams ang impormasyon tungkol sa posibleng… Continue reading Manhunt para kay Pastor Quiboloy, pinalawak sa buong bansa

Mga sundalong nasugatan matapos ang engkuwentro sa BIFF-Karialan faction, binigyang parangal ng AFP

Pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tauhan ng Army’s 6th Infantry Division na nasugatan matapos maka-engkuwentro ang mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) – Karialan faction sa Maguindanao del Sur. Personal na iginawad ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang medalya laban sa mga sugatang sundalo… Continue reading Mga sundalong nasugatan matapos ang engkuwentro sa BIFF-Karialan faction, binigyang parangal ng AFP

Nutralisasyon ng top BIFF leader at 11 pang terorista, pinuri ni Sec. Galvez

Pinuri ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang 6th Infantry Division sa pamumuno ni Major General Alex Rillera, sa nutralisasyon ng top leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Mohiden Alimodin Animbang  at 11 iba pa sa engkwentro sa Maguindanao del Sur noong… Continue reading Nutralisasyon ng top BIFF leader at 11 pang terorista, pinuri ni Sec. Galvez

Roll-out ng Tetanus-Diphteria-Pertussis vaccines para sa mga vulnerable population, sinimulan na sa Pasig

Pormal nang sinimulan ang roll-out ng Tetanus-Diphteria-Pertussis (Tdap) vaccines para sa mga vulnerable population o pinaka-apektadong populasyon sa Pasig City. Ayon sa Pasig LGU, ang pagbibigay ng Tdap vaccines ay bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit gaya ng Pertussis at iba pang vaccine-preventable diseases. Ang Tdap Vaccination ay nakatakdang ipamahagi sa… Continue reading Roll-out ng Tetanus-Diphteria-Pertussis vaccines para sa mga vulnerable population, sinimulan na sa Pasig

MMDA, susunod sa direktiba ng Pangulo na isantabi muna ang pagpapatupad ng mas mataas na multa sa illegal parking

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na susunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na isantabi muna ang implementasyon ng mas mataas na multa sa illegal parking. Batay ito sa Joint Traffic Circular No. 1 na inilabas ng Metro Manila Council. Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na sa ngayon ay… Continue reading MMDA, susunod sa direktiba ng Pangulo na isantabi muna ang pagpapatupad ng mas mataas na multa sa illegal parking