Libreng Sakay ng Quezon City LGU, nagpapatuloy kahit hindi ramdam ang tigil pasada ng Piston

Tuloy ang pag arangkada ng libreng sakay ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon para sa mga commuters ngayong unang araw ng tigil-pasada ngayong Lunes. Ginawa pa rin ito, sa kabila na hindi naman naramdaman ang tigil pasada ng Piston jeepney transport group. May 96 na QCity Bus ang tuloy-tuloy sa pagbiyahe sa walong ruta… Continue reading Libreng Sakay ng Quezon City LGU, nagpapatuloy kahit hindi ramdam ang tigil pasada ng Piston

Sen. Hontiveros, nanawagan sa DFA na kanselahin ang passport ni Pastor Quiboloy

Pinakakansela ni Senadora Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. Ginawa ng senadora ang pahayag sa gitna ng patuloy na pagtatago ni Quiboloy sa Senado at sa mga korte ng Pilipinas. Giniit ni Hontiveros na dapat nang limitahan ang galaw ni Quiboloy at… Continue reading Sen. Hontiveros, nanawagan sa DFA na kanselahin ang passport ni Pastor Quiboloy

Produksyon ng Bangus sa Dagupan City, hindi apektado ng mainit na panahon, ayon sa alkalde

Produksyon ng bangus sa Dagupan City, hindi apektado ng mainit na panahon, ayon sa alkalde Tiniyak ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na sapat ang suplay ng bangus sa lungsod sa kabila ng mainit na panahon. Lalo na at libo-libong bangus ang iihawin para sa Bangus Festival ‘Kalutan ed dalan’ bukas. Aniya, walang nakikitang problema… Continue reading Produksyon ng Bangus sa Dagupan City, hindi apektado ng mainit na panahon, ayon sa alkalde

14 biktima ng human trafficking, nasagip ng mga awtoridad sa Tawi-Tawi

Nasagip ng mga awtoridad ang 14 na mga biktima ng human trafficking sa daungan ng Bongao, Tawi-Tawi. Ayon kay Police Maj. Gen. Jonnel Estomo, hepe ng Area Police Command-Western Mindanao (APC-WM), ang grupo ng potential human trafficking victims ay na-rescue nang matanggap ng mga awtoridad ang impormasyon na may mga indibidwal na nagbibyahe papuntang Malaysia… Continue reading 14 biktima ng human trafficking, nasagip ng mga awtoridad sa Tawi-Tawi

PBBM, ininspeksyunan ang mga isinuko at nahuling mga armas mula sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Sultan Kudarat

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si 6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Alex S. Rillera, ang pag-inspeksyon sa mga isinuko at nahuling mga armas mula sa iba’t ibang bayan ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Sultan Kudarat. Resulta ito ng kampanya laban sa proliferation ng mga loose firearms sa bansa,… Continue reading PBBM, ininspeksyunan ang mga isinuko at nahuling mga armas mula sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Sultan Kudarat

Mahigit 40 katao, biktima diumano ng food poisoning sa Sulu

Umabot sa mahigit 40 katao ang sabay-sabay na isinugod kamakailan sa Maimbung District Hospital sa bayan ng Maimbung, Sulu matapos makaranas ng mga sintomas ng acute gastroentiritis. Bagama’t tumanggi si Dr. Shaheeda Hassiman, medical chief ng Maimbung District Hospital, na isa itong uri ng food poisoning, inamin nito na na-admit ng dalawang araw sa naturang… Continue reading Mahigit 40 katao, biktima diumano ng food poisoning sa Sulu

Pangulong Marcos, nagbabala sa mga manggugulo sa BARMM elections sa susunod na taon

Binalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga magtatangkang manggulo sa kauna-unahang halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa May 2025. Sa komemorasyon ng ika-10 anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), sinabi ng Pangulo na pamahalaan na ang makakalaban ng mga magtatangka ng masama sa BARMM election.… Continue reading Pangulong Marcos, nagbabala sa mga manggugulo sa BARMM elections sa susunod na taon

Pagkamatay ng 14 anyos na estudyante sa Talisay, Cebu, aksidente lang – PNP

Nilinaw ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na hindi totoo ang inisyal na lumabas na balita na binaril at pinatay ng nanloob sa bahay ang isang 14 anyos na estudyante sa Talisay, Cebu. Unang napaulat na binaril ng hindi kilalang salarin ang suspek habang sinasagutan niya ang kanyang study module sa… Continue reading Pagkamatay ng 14 anyos na estudyante sa Talisay, Cebu, aksidente lang – PNP

Pinakahuling narrative ng China kaugnay sa WPS, walang katotohanan

Pinasinungalingan ng National Security Council (NCS) ang pinakahuling pahayag ng China, kung saan sinabi ng foreign minister nito na may common understanding ang Beijing at Maynila, sa ilalim ng kapwa Duterte at Marcos Administration kaugnay sa pag-handle sa Ayungin Shoal. “Noong una, iyong pangako na napako raw iyong promised.; and then naging gentleman’s agreement; tapos… Continue reading Pinakahuling narrative ng China kaugnay sa WPS, walang katotohanan

CSC, magbibigay ng dagdag na 10 points sa isang examinee na mahigit 10 taon nang JO at COS

Gumagawa na ng mga kaukulang hakbang ang Civil Service Commission (CSC) para mapunan ang maraming bakanteng plantilla position sa gobyerno. Sa isang ambush interview sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni CSC Chairperson Karlo Alexis Nograles, kinakausap na nila ang government agencies na kung maaari ay punan na ang libo-libong bakanteng plantilla. Bukod dito, magdadagdag… Continue reading CSC, magbibigay ng dagdag na 10 points sa isang examinee na mahigit 10 taon nang JO at COS