20 priority bills ng administrasyon, target maipasa ng Senado bago matapos ang 2nd regular session ng Kongreso

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri na maipapasa ng Senado ang nasa 20 priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago matapos ang 2nd regular session ng 19th Congress ngayong Hunyo. Sa pagbabalik sesyon ng Senado ngayong araw, tiwala si Zubiri na on-track ang Mataas na Kapulungan at matutupad nila ang commitment… Continue reading 20 priority bills ng administrasyon, target maipasa ng Senado bago matapos ang 2nd regular session ng Kongreso

Unang batch ng graduates ng Bangsamoro Police Basic Recruit Course, malaki ang papel na gagampanan sa pag-unlad pa ng BARMM

Gagampan ng malaking papel sa bagong yugto ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang unang batch ng mga nagsipagtapos ng  Alpha-Bravo Bangsamorong Kapulisan, Sandigan ng Lipunang Pilipino. “Kayo ang tutulong sa pagsusulat ng isang bagong yugto para sa Bangsamoro, tungo sa mas tahimik at matiwasay na kinabukasan. Kaya ang inyong pagsasanay at pagtatapos… Continue reading Unang batch ng graduates ng Bangsamoro Police Basic Recruit Course, malaki ang papel na gagampanan sa pag-unlad pa ng BARMM

Pangunahing suspek sa pagpatay kay brodkaster Juan Jumalon, arestado ng PNP

Inanunsyo ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang pagkakaaresto kaninang umaga ng pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon na kilala bilang DJ “Johnny Walker”. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, kinilala ni Fajardo ang suspek na si Julito Mangumpit alyas Ricky na nasakote sa pinagsanib na operasyon… Continue reading Pangunahing suspek sa pagpatay kay brodkaster Juan Jumalon, arestado ng PNP

SP Migz Zubiri, nanawagang ibalik na ang dating school calendar

Sa gitna ng patuloy na pagtindi ng init ng panahon, nakiisa na rin si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagtutulak na maibalik na ang lumang school calendar ng mga estudyante sa bansa, kung saan nakabakasyon ang mga mag-aaral mula Abril at ang pasukan ay Hunyo. Ipinunto ni Zubiri, na nahihirapan ang mga estudyante at… Continue reading SP Migz Zubiri, nanawagang ibalik na ang dating school calendar

Murang bigas at iba pang bilihin, mabibili sa Kadiwa ng Pangulo sa Makati City Hall Quadrangle

Inalabas na ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang schedule ng Kadiwa ng Pangulo sa nasasakupan nito para abiso sa publiko na nag-aabang nito. Base sa inilabas na anunsyo, ang Kadiwa ng Pangulo para sa taong 2024 ay buwan-buwan dadayo sa Lungsod ng Makati at kadalasan ay sa huling araw ng buwan ito gaganapin. Ang Kadiwa… Continue reading Murang bigas at iba pang bilihin, mabibili sa Kadiwa ng Pangulo sa Makati City Hall Quadrangle

Marijuana at iba pang iligal na kargamento, huli ng BOC sa NAIA

Bunsod ng mas pinaigting na border security ng Bureau of Customs sa NAIA ay nasakote nito ang tangkang pagpasok sa bansa ng 2,536 grams ng marijuana o kush at 70 piraso ng vape pens na naglalaman ng cannabis oil. Ayon sa Customs, ang pinagsama-samang halaga ng mga nasabing iligal na kontrabando ay umaabot sa mahigit… Continue reading Marijuana at iba pang iligal na kargamento, huli ng BOC sa NAIA

PBBM, hinikayat ang mga taga-Bangsamoro na bantayan ang karapatan sa pagboto para sa kauna-unahang BARMM election sa 2025

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga taga Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na maging mapagmatyag sa pagbabantay ng kanilang karapatan para sa kauna- unahang BARMM election na nakatakda sa May 2025. Sa talumpati ng Pangulo sa paggunita sa ika- 10 taong anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, inihayag… Continue reading PBBM, hinikayat ang mga taga-Bangsamoro na bantayan ang karapatan sa pagboto para sa kauna-unahang BARMM election sa 2025

Engineering solutions kontra sa lindol, isusulong OCD sa mga LGU

Inatasan ng Office of Civil Defense (OCD) ang kanilang 17 Regional Office na makipag-coordinate sa mga Local Government Unit (LGU) para isulong ang “engineering solutions” kontra sa lindol. Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno bahagi ito ng kampanya para maiwasan ang malaking pagkawala ng buhay kung tumama ang “the big one”. Hindi lang aniya… Continue reading Engineering solutions kontra sa lindol, isusulong OCD sa mga LGU

PBBM, pinangunahan ang graduation ceremony ng mga nagsipagtapos sa Bangsamoro Police Basic Recruit Course

Apat na punto ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isandaang miyembro ng Alpha-Bravo “BAKAS-LIPI” batch na nagsipagtapos ngayong araw sa Bangsamoro Police Basic Recruit Course. Sa talumpati ng Chief Executive, sinabi nito na ang kanilang integridad ang mananatiling susi para sa kanilang tagumpay sa hinaharap na aniya’y dapat sikaping maging… Continue reading PBBM, pinangunahan ang graduation ceremony ng mga nagsipagtapos sa Bangsamoro Police Basic Recruit Course

Labi ng 3 OFW na nasawi sa malawakang pagbaha sa UAE, inaasahang makauuwi na ngayong linggo

Sinisikap ng Embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE) na mai-uwi ngayong linggong ito ang labi ng 3 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi bunsod ng malawakang pagbaha roon. Sa pulong balitaan ngayong umaga, sinabi ng bagong Kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) na si Sec. Hans Leo Cacdac na patuloy ang pakikipag-ugnayan… Continue reading Labi ng 3 OFW na nasawi sa malawakang pagbaha sa UAE, inaasahang makauuwi na ngayong linggo