Deputy Speaker Frasco, pinasasama sa 2025 budget ang pagpopondo sa firefighting helicopters

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Deputy Speaker at Cebu 5th district Rep. Duke Frasco na maisama sa mga popondohan sa 2025 National Budget ang firefighting helicopters.

Sa kaniyang House Resolution 1686, pinasasama nito sa Bureau of Fire Protection at DILG sa kanilang 2025 National Expenditure Program proposal ang pagbili ng firefighting helicopters upang mas mabilis na makaresponde sa mga sunog.

Lubha kasing ikinababahala ng mambabatas na sa unang dalawang buwan pa lang ng 2024 ay umabot na sa 25% ang insidente ng sunog sa buong bansa.

Punto pa ng kinatawan, na isa sa nagiging problema sa pagresponde sa sunog lalo na sa mga densely populated na residential area ay ang traffic congestion at maliliit na kalsada.

Kaya naman naniniwala si Frasco, na mas magiging maayos at mabilis ang pagresponde ng BFP sa sunog kung ma-upgrade ang kanilang mga kagamitan.

Bahagi na rin aniya ang pagbili ng firefighting helicopters ng BFP Modernization Program. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us