Heat index sa Aparri Cagayan, umabot sa 48°C at 47 °C naman sa Dagupan – PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Batay ito sa ulat ng PAGASA ngayong hapon.

Bukod sa nasabing lalawigan, umabot din sa 47°C ang naitala sa Dagupan City, Pangasinan at Sangley Point sa Cavite.

Sa buong maghapon, may 28 pang lugar sa iba’t ibang panig ng bansa ang nakaranas ng matinding init ng panahon na may heat index mula 42°C hanggang 46°C na pasok sa danger level category.

Sa Metro Manila, naitala ang 45°C sa NAIA sa Pasay City habang 43° C naman sa Science Garden sa Quezon City.

Bukas asahan pa ang matinding init ng panahon sa Metro Manila at sa iba pang panig ng bansa.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us