Hiniling ni National Food Authority (NFA) Acting Administrator Dr. Larry del Rosario Lacson ang pagkakaisa ng mga kawani ng NFA at samahan siya sa pagsusulong ng ahensya.
Tiniyak ni Lacson na wala siyang papaboran at ang kanyang mga desisyon ay palaging nakabatay sa kung ano ang pinakamahusay para sa ahensya.
Bilang kapalit, hiniling niya sa mga empleyado ang kanilang suporta sa kanyang pamumuno.
Pinalakpakan ng mga empleyado ang bagong Administrator habang nanawagan din siya sa department heads sa Central Office na samahan siya sa “ceremonial joining of hands” at nangakong magkaisa sa panunungkulan para sa ikabubuti ng NFA.
Si Lacson ay itinalaga bilang NFA Acting Administrator ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong nakaraang linggo. | ulat ni Rey Ferrer