Naisagawa na ang makasaysayang trilateral summit sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Bawat lider ay nagbigay ng kani-kaniyang opening statement at sa panig ni Pangulong Marcos Jr. ay binigyang diin nito ang kailangang dedikasyon at commitment sa rules-based international order.
Ang isinagawang summit ayon sa Pangulo ay magsisilbi aniyang oportunidad para sa paghubog sa ninanais na bukas at paano ito makakamit.
Sinabi ng Pangulo na habang mas pinapalalim pa ang relasyon ng bawat isa at mapabuti pang lalo ang kooperasyon ay kasabay nito’y ang pagtukoy ng mga pamamaraan para mas lumago pa ang ekonomiya at maging matatag.
Bahagi din aniya sa layunin ng pulong ang matiyak na maging climate-proof ang lipunan, masustine ang development progress, at makabuo ng mapayapang mundo sa susunod na henerasyon. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: PCO