Panukala para atasan ang mga ahensya ng pamahalaan na ilaan ang 3% ng kanilang budget para sa mga senior citizen, aprubado na ng Komite sa Kamara

Lusot na sa House Committee on Senior Citizen ang panukalang batas na mag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na ilaan ang 3% ng kanilang annual budget para sa mga programa at proyekto ng mga lolo at lola. Ayon kay Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes, chair ng komite at pangunahing may akda ng panukala,… Continue reading Panukala para atasan ang mga ahensya ng pamahalaan na ilaan ang 3% ng kanilang budget para sa mga senior citizen, aprubado na ng Komite sa Kamara

Minority solon, naniniwalang di pa patay ang Economic Cha-Cha, kahit pa di maaksyunan ng Senado bago ang sine die adjournment

Para kay 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, hindi masasabing patay na ang isinusulong na Economic Charter Change hindi man ito maaksyunan ng Senado bago ang sine die adjournment. Ito ang tugon ng mambabatas mula sa minority bloc matapos mahingan ng reaksyon sa pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi prayoridad ng Senado ang… Continue reading Minority solon, naniniwalang di pa patay ang Economic Cha-Cha, kahit pa di maaksyunan ng Senado bago ang sine die adjournment

Presyo ng galunggong, itlog at kamatis, bumaba sa huling bahagi ng Abril

Nanatiling mababa ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa huling bahagi ng Abril batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, bumaba pa ng P8.00 ang average retail prices sa kada kilo ng galunggong na nasa P196.29 ang kada kilo noong ikalawang bahagi ng Abril… Continue reading Presyo ng galunggong, itlog at kamatis, bumaba sa huling bahagi ng Abril

Liberian-flagged bulk carrier na hinihinalang sangkot sa smuggling activities, hinarang ng Philippine Navy sa Cebu

Tiniyak ng Naval Forces Central ang patuloy nitong pagbabantay sa mga katubigang sakop ng bansa mula sa mga dayuhang barko na posibleng sangkot sa mga iligal na aktibidad. Ito’y makaraang maharang ng mga tauhan ng Philippine Navy ang isang Liberian-flagged bulk carrier na MV Ohshu Maru na iligal na naglalayag sa Bohol Sea o 12… Continue reading Liberian-flagged bulk carrier na hinihinalang sangkot sa smuggling activities, hinarang ng Philippine Navy sa Cebu

DICT, binigyang diin ang kahalagahan na magkaroon ng Cyber Security Law

Nanindigan ang DICT na kailangan na ng bansa ng Cyber Security Act. Sa pagtalakay ng House Committees on Information and Communications Technology at Public Information hinggil sa serye ng cyber attack sa mga ahensya ng pamahalaan, natanong ni Manila Rep. Bienvenido Abante kung hindi pa ba sapat ang pagkakaroon ng cyber security divisions ng mga… Continue reading DICT, binigyang diin ang kahalagahan na magkaroon ng Cyber Security Law

Mga miyembro ng MANIBELA sa San Juan City, humabol sa franchise consolidation sa takot maituring na kolorum

Tuloy sa pamamasada ang mga jeepney driver na miyembro ng transport group na MANIBELA sa N. Domingo sa San Juan City matapos silang makahabol sa deadline ng franchise consolidation Ayon sa mga tsuper na nakausap ng Radyo Pilipinas, inamin ng mga ito na natakot silang maituring na kolorum kaya’t nagpasya na silang humabol sa franchise… Continue reading Mga miyembro ng MANIBELA sa San Juan City, humabol sa franchise consolidation sa takot maituring na kolorum

Pres. Marcos Jr., naniniwalang sawa na ang tao sa awayan at politika; pagkaka-isa, patuloy na inaasam ng taongbayan

Kumbinsido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayaw at sawa na ang tao sa bangayan at politika. Isa ito sa nabigyang-diin ng Chief Executive kaugnay ng naging pangunguna nito sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas. Ayon sa Pangulo, ang hanap ngayon ng taongbayan ay pagkakaisa at nanatiling uhaw aniya… Continue reading Pres. Marcos Jr., naniniwalang sawa na ang tao sa awayan at politika; pagkaka-isa, patuloy na inaasam ng taongbayan

Tatlong matataas na opisyal ng PNP, isinailalim sa rigudon

Muling nagpatupad ng rigudon ang Philippine National Police (PNP) sa matataas na opisyal nito. Batay sa kautusan ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, itinalaga si PMGen. Romeo Caramat Jr. bilang pinuno ng Area Police Command – Northern Luzon na isang 3-star post. Papalit naman kay Caramat bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group… Continue reading Tatlong matataas na opisyal ng PNP, isinailalim sa rigudon

Bicolano solon, itinutulak ang pagpasa ng mahigpit na batas laban sa pagbebenta at paggawa ng pekeng gamot

Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan ang mas mahigpit na na batas laban sa mga pekeng gamot. Ginawa ni Rep. Yamsuan ang pahayag kasunod ng panawagan at pagsasanib pwersa ng  Intellectual Property Office of the Philippines (IPPHIL) at ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP)   na alisin ang mga pekeng gamot mula… Continue reading Bicolano solon, itinutulak ang pagpasa ng mahigpit na batas laban sa pagbebenta at paggawa ng pekeng gamot

Mga dating kalihim ng DOF, pinuri at pinsalamatan si DOF Sec. Recto

Binigyang pagkilala ni Finance Secretary Ralph Recto ang kanyang mga “predecessors” kasabay ng pagdirwang ng Kagawaran ng Pananalapi ng kanilang ika 127th anniversary. Sa isang pagtitipon ay dinaluhan nila House Speaker Martin Romualdez, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman; National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan; and Monetary Board Member… Continue reading Mga dating kalihim ng DOF, pinuri at pinsalamatan si DOF Sec. Recto