Higit sa P80-M halaga umano ng ecstacy tablet, nasabat sa Pasay City

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) at NAIA PDEA-IADITG ang tinatayang aabot umano sa P85 milyong pisong halaga ng ecstasy tablet sa Central Mail Exchange Center sa domestic road sa Pasay City. Ayon sa BOC -NAIA, nagmula pa sa Netherlands ang dumating parsela. Apat na indibidwal naman ang naaaresto makaraang kunin ang… Continue reading Higit sa P80-M halaga umano ng ecstacy tablet, nasabat sa Pasay City

EU Business Council, nag courtesy call kay Trade Sec. Pascual para sa ilang business opportunities nito sa ating bansa

Nakipag courtesy call ang European Union Business Council kay Trade Secretary Alfredo Pascual upang pag-usapan ang ilang business opportunities sa Pilipinas. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, isa sa naging paksa sa naturang pagpupulong ay kung papaano makakatulong ang EU Business Council sa pagpapaangat ng ekonomiya sa Pilipinas pagdating sa mga businiess oportunities at investment… Continue reading EU Business Council, nag courtesy call kay Trade Sec. Pascual para sa ilang business opportunities nito sa ating bansa

Kamara, sisimulan ang pagdinig sa napaulat na “gentleman’s agreement” ng China at Pilipinas sa susunod na linggo

Kinumpirma ng ilan sa lider ng Kamara na kasado na ang pagsiyasat sa napaulat na gentleman’s agreement sa pagitan ng China at dating administrasyon patungkol sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House Assistant Majority Leader Paolo Ortega, sa susunod na linggo ay sisimulan na ang pagdinig kaugnay sa napaulat na kasunduan kasama ang iba… Continue reading Kamara, sisimulan ang pagdinig sa napaulat na “gentleman’s agreement” ng China at Pilipinas sa susunod na linggo

Next Generation 911 Command Center, pinasanayaan sa Morong, Rizal

Inihahandog ng NGA 911 ang mga makabagong solusyon para sa pagtugon sa emergency sa Pilipinas, katuwang ang local government units (LGUs) at mga public safety team sa bansa. Layon nitong mapabuti ang sistema ng emergency response team mula sa integrated emergency system sa pamamagitan ng social media, SMS, o tawag. Ayon kay Robert Llaguno, Country… Continue reading Next Generation 911 Command Center, pinasanayaan sa Morong, Rizal

Sen. Gatchalian, minumungkahing palawakin ang saklaw ng heat index para maging gabay sa pagsuspinde ng klase

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na palawakin ang saklaw ng mga heat index para magabayan ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan sa pagsuspinde ng mga klase. Sa ganitong paraaan aniya ay mawawala na ang pagiging arbitrary ng pagkansela ng mga klase dahil sa sobrang init… Continue reading Sen. Gatchalian, minumungkahing palawakin ang saklaw ng heat index para maging gabay sa pagsuspinde ng klase

Clearing operations sa Mabuhay Lanes sa QC, araw-araw na isasagawa ng MMDA

Photo courtesy of MMDA

Magiging araw-araw ang isasagawang clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Mabuhay Lanes at iba pang alternatibong ruta habang nakasara ang EDSA-Kamuning Flyover Southbound sa Quezon City. Ito ang inihayag ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana. Aniya, layon nitong matiyak na maluwag ang mga daraanan ng mga motorista. Sa ikinasang operasyon ng… Continue reading Clearing operations sa Mabuhay Lanes sa QC, araw-araw na isasagawa ng MMDA

Mahigit 1.5-M batang Pinoy, nabiyayaan ng feeding program ng DSWD

Mahigit sa 1.5 million bata sa buong bansa ang nakinabang sa Supplementary Feeding Program (SFP) na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa taong 2023-2024. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, hanggang Marso 30 ngayong taon, pinakamaraming napagsilbihang bata ay mula sa Child Development Centers na abot sa 1,526,261. Habang… Continue reading Mahigit 1.5-M batang Pinoy, nabiyayaan ng feeding program ng DSWD

Mungkahi ng Pangulo na isulong ang gastronomy tourism promotion sa bansa, welcome kay Sec. Frasco

Welcome kay Tourism Secretary Christina Frasco ang mungkahi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas palakasin pa ang gastronomy tourism promotions sa Pilipinas. Aniya, sa naturang mungkhani ng Pangulo ay aktibo na ang kanilang kagawaran sa pagpo-promote ng mga ipinagmamalaking Filipino food ng ating bansa gaya ng adobo, sinigang at iba pang mga pagkaing… Continue reading Mungkahi ng Pangulo na isulong ang gastronomy tourism promotion sa bansa, welcome kay Sec. Frasco

Sen. Poe, pinare-review ang epekto ng PUV Modernization Program

Pinare-review ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang epekto ng PUV Modernization Program (PUVMP) ngayong tapos na ang deadline sa consolidation ng jeepneys. Ayon kay Poe, dapat paghandaan ng mga transportation official ang pagbusisi sa epekto ng jeepney modernization program kasama na ang paggamit ng P200 million na pondo para sa… Continue reading Sen. Poe, pinare-review ang epekto ng PUV Modernization Program

Pamahalaan at UN, nagpulong para palakasin ang pagtutulungan sa pagkamit ng Sustainable Development Goals

Nagpulong ang gobyerno ng Pilipinas at ang United Nations (UN). Layon nito na magkaroon ng sama-samang pagsisikap upang maabot ang Sustainable Development Goals (SDG) at Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028. Sa naturang pulong sa tanggapan ng National Economic and Development Authority (NEDA), inaprubahan ang Terms of Reference na magsisilbing balangkas ng kooperasyon ng Pilipinas at… Continue reading Pamahalaan at UN, nagpulong para palakasin ang pagtutulungan sa pagkamit ng Sustainable Development Goals