PAGASA, naglabas ng Thunderstorm Advisory sa Metro Manila at karatig lalawigan

Posibleng ulanin ang Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan ngayong araw. Sa Thunderstorm Advisory ng Pagasa inilabas kaninang alas-7:32 am, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Batangas, Quezon, Laguna, Rizal, Metro Manila, Bataan, at Cavite Ayon sa Pagasa, iiral ang thunderstorm sa loob… Continue reading PAGASA, naglabas ng Thunderstorm Advisory sa Metro Manila at karatig lalawigan

DMW Chief Cacdac, at 25 iba pang appointees, sasalang sa Commission on Appointments ngayong buwan

Kinumpirma ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na ngayong buwan ay sasalang na sa Commission on Appointments si DMW Sec. Hans Leo Cacdac kasama ang 25 iba pang presidential appointees para sa kanilang pormal na kumpirmasyon. Ayon sa CA Assistant Minority Leader, natanggap na nila ang appointment papers ni Cacdac kasama ang promotion papers… Continue reading DMW Chief Cacdac, at 25 iba pang appointees, sasalang sa Commission on Appointments ngayong buwan

Proteksyon ng Homonhon Island mula sa pagkasira dahil sa pagmimina kasado na

Malugod na inanunsyo ni House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan ang multisectoral effort para sa pagsasalba at proteksyon ng Homonhon Island mula sa tuluyang pagkasira dahil sa pagmimina ng nickel at chromite. Kasunod na rin aniya ito ng kanilang naging pulong kung saan binuo at pinakilos ang ‘Task Force Homonhon’ sa atas… Continue reading Proteksyon ng Homonhon Island mula sa pagkasira dahil sa pagmimina kasado na

Kumakalat na post sa social media hinggil sa umano’y “cash assistance” para sa mga graduating students ngayong school year, “fake news” — DepEd

Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko kaugnay sa mga kumakalat na post sa social media hinggil sa umano’y pamamahagi ng ayuda ng kagawaran sa mga mag-aaral. Ito’y makaraang makarating sa DepEd ng mga sumbong hinggil sa mga post na ginagamit pa ang logo ng kagawaran para akitin ang mga mag-aaral hinggil sa umano’y… Continue reading Kumakalat na post sa social media hinggil sa umano’y “cash assistance” para sa mga graduating students ngayong school year, “fake news” — DepEd

Internet isa na ngayong pangunahing pangangailangan, lease fees para sa telcos alisin — consumer group

Nanawagan ang isang consumer group na suspindehin ang lease fees para sa telecommuncations company kasabay ng pagsasabing ang internet connection sa digital era ay isang pangunahing pangangailangan. Sa isang official statement, sinabi ng Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) na ang internet connection ay dapat tingnan na katulad ng utilities tulad ng tubig at koryente. “Dapat… Continue reading Internet isa na ngayong pangunahing pangangailangan, lease fees para sa telcos alisin — consumer group

3 lalawigan sa Mindanao, magkakasunod na pupuntahan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong buwan

Tuloy-tuloy ang pamahalaan sa paghahatid seribisyo at programa sa publiko. Ito’y matapos makarating sa 18 probinsya ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng Marcos Jr. administration. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, sa buwan ng Mayo at Hunyo ay tatlo pang lalawigan sa Mindanao ang pupuntahan mg BPSF. Ito ang Zamboanga City sa May 10-11, Tawi-Tawi… Continue reading 3 lalawigan sa Mindanao, magkakasunod na pupuntahan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong buwan

Inisyatibong rice contract farming ng NIA, inilunsad sa Zamboanga Peninsula

Pinalawak pa ng National Irrigation Administration (NIA) ang suporta nito sa mga magsasaka sa Zamboanga Peninsula sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang strategic rice contract farming. Sa ilalim nito, direktang susuportahan ang 25 irrigators association sa rehiyon sa layuning mapalago ang lokal na produksyon at kita ng mga magsasaka. Kabilang dito ang ₱50,000 halaga ng… Continue reading Inisyatibong rice contract farming ng NIA, inilunsad sa Zamboanga Peninsula

30 lugar sa bansa, makararanas ng mataas na heat index ngayong araw

Inaasahang magpapatuloy ang mainit at maalinsangang panahon, gayundin ang mapanganib na lebel ng heat index sa maraming lugar sa bansa ngayong Lunes. Batay kasi sa heat index forecast ng PAGASA, nasa 30 lugar ang posibleng makaranas ng hindi bababa sa 42°C na heat index. Pinakamataas ang 47°C na damang init na inaasahan sa Dagupan City… Continue reading 30 lugar sa bansa, makararanas ng mataas na heat index ngayong araw

DMW, nagpaabot ng tulong sa 2 Pilipinong nasugatan sa Hong Kong matapos ang matinding pag-ulan doon

Nagpaabot ng tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mag-asawang nasugatan sa Hong Kong matapos ang pagguho ng lupa dulot ng matinding pag-ulan. Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na nagtatrabaho ang mag-asawang Pilipino sa isang resort sa Sai Kung na kumukuha lamang ng mga larawan at video sa pinsalang tinamo ng kanilang pinagtatrabahuan… Continue reading DMW, nagpaabot ng tulong sa 2 Pilipinong nasugatan sa Hong Kong matapos ang matinding pag-ulan doon

5 pang matataas na opisyal ng PNP, napabilang sa serye ng rigodon

Lima pang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang napabilang sa panibagong serye ng rigodon sa kanilang hanay nitong weekend. Kabilang sa mga nailipat ay sina Police Brig. Gen. Eleazar Mata na itinalaga bilang bagong pinuno ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kapalit ni Police Brig. Gen. Dionisio Bartolome bilang bagong pinuno ng… Continue reading 5 pang matataas na opisyal ng PNP, napabilang sa serye ng rigodon