Pagpapatigil ng operasyon ng mga POGO, muling ipinanawagan ng mga senador sa gitna ng mga krimeng iniuugnay dito

Muling umapela si Senate Committee on Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian na tuluyan nang ipatigil ang operasyon ng lahat ng mga POGO sa Pilipinas. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality tungkol sa alegasyon ng human trafficking at iba pang krimen sa mga POGO, sinabi ni… Continue reading Pagpapatigil ng operasyon ng mga POGO, muling ipinanawagan ng mga senador sa gitna ng mga krimeng iniuugnay dito

ARTA, binigyan ng “commendation” ang Bacoor LGU sa pagiging ganap na automated electronic Business One-Stop Shop

Photo courtesy by ARTA

Pinuri ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pagtatatag ng isang ganap na automated electronic Business One-Stop Shop (eBOSS). Ang Bacoor ang ika-walong local government unit (LGU) sa Southern Luzon, at ika-28 sa buong bansa na nagkaroon ng eBOSS commendation, streamlining business permit applications, at renewals. Ang inisyatiba na ito ay… Continue reading ARTA, binigyan ng “commendation” ang Bacoor LGU sa pagiging ganap na automated electronic Business One-Stop Shop

Desisyon ni PBBM na di gagamit ng water canon ang Pilipinas vs China Coast Guard, suportado ng mga mambabatas

Kaisa ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan sa posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi gagamit ng water canon ang Pilipinas laban sa China Coast Guard. Ayon kay Surigao del Norte Rep Francisco Matugas, tama lang ang desisyon ng Pangulo upang ipakita na isang ‘peace-loving’ na bansa ang Pilipinas. “tama po iyong stand… Continue reading Desisyon ni PBBM na di gagamit ng water canon ang Pilipinas vs China Coast Guard, suportado ng mga mambabatas

WESCOM Chief, nag-leave epektibo ngayong araw

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na nag-leave si AFP Western Command (WESCOM) Chief Vice Admiral Alberto B. Carlos. Ayon kay Padilla, pansamantalang humalili sa pwesto ni Carlos si Naval Education, Training and Doctrine Command chief Rear Admiral Alfonso Torres Jr. Nilinaw naman ni Col. Padilla, na ang… Continue reading WESCOM Chief, nag-leave epektibo ngayong araw

DSWD, nakipag-partner sa 903 service providers upang matiyak ang serbisyo sa ilalim ng AICS

Nakipag-partner ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 903 service providers sa buong bansa para makapagbigay ng dagliang tulong sa mga nangangailangan. Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, ang nasabing service providers ay binubuo ng hospitals, medical centers, dialysis centers, diagnostic clinics, pharmaceutical companies, medical devices/implants companies at funeral parlors. Isang memorandum of… Continue reading DSWD, nakipag-partner sa 903 service providers upang matiyak ang serbisyo sa ilalim ng AICS

Higit P68-M halaga ng illegal drugs nasabat sa Pasay City, apat pang drug personality naaresto – PDEA

Aabot sa P68,350,200 ang halaga ng illegal drugs na nasabat ng mga tauhan ng NAIA -Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa isinagawang anti-drug operations sa Pasay City. Kasabay nito ang pagkaaresto ng mga otoridad sa apat na drug personality. Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office National Capital Region, nangyari ang operasyon sa Mail… Continue reading Higit P68-M halaga ng illegal drugs nasabat sa Pasay City, apat pang drug personality naaresto – PDEA

Panukalang amyenda sa Rice Tariffication law, aprubado na sa committee level sa Kamara

Umusad na sa Kamara ang panukalang batas para amyendahan ang Rice Tariffication kasama ang pagbabalik ng kapangyarihan sa National Food Authority (NFA) na makapagbenta ng bigas sa mga pamilihan. Ito’y matapos aprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang substitute bill ng pinag-isang panukala. Ayon kay Quezon Representative Mark Enverga, Chair ng Komite, sa… Continue reading Panukalang amyenda sa Rice Tariffication law, aprubado na sa committee level sa Kamara

107 barko ng China, na-monitor sa 7 lugar sa WPS

Na-monitor ng Philippine Navy ang kabuuang 107 barko ng China mula Abril 30 hangang Mayo 6 sa pitong lugar na may interes ang Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Base sa datos na inilabas ni Philippine Navy Spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, pinakamarami ang na-monitor sa bisinidad ng Pag-asa Island na binubuo… Continue reading 107 barko ng China, na-monitor sa 7 lugar sa WPS

“New model” sa Ayungin Shoal, “zombie story” lang ng China – PH Navy

Binansagan ng Philippine Navy bilang isang “Zombie story” ang pinalulutang ng China na “New model” na kasunduan umano nila sa Pilipinas ukol sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad, ang kwentong ito ay matagal nang patay ngunit muling binuhay ng Chinese Communist… Continue reading “New model” sa Ayungin Shoal, “zombie story” lang ng China – PH Navy

Mga benepisyaryo ng El Niño project ng DSWD sa Bicol, naka-avail ng Cash-for-Training

Tatlong araw na sabay-sabay nagsagawa ng Cash-for-Training ang Department of Social Welfare and Development-Bicol Region para sa partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI. Ang Cash-for-Training ay isinagawa sa mga munisipalidad ng Pandan at Pilar sa mga lalawigan ng Catanduanes at Sorsogon. Abot sa 787 benepisyaryo ang sumailalim sa tatlong araw na Learning and Development Session… Continue reading Mga benepisyaryo ng El Niño project ng DSWD sa Bicol, naka-avail ng Cash-for-Training