Albay solon, suportado ang pagbuo sa Special Committee on Human Rights

Welcome para kay Albay 1st district Rep. Edcel Lagman ang inilabas na Administrative Order No. 22 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang naturang kautusan ang bubuo sa Special Committee on Human Rights Coordination para palakasin ang proteksyon ng karapatang pantao sa bansa. Kasabay naman nito ay nanawagan ang independent minority solon na ratipikahan na… Continue reading Albay solon, suportado ang pagbuo sa Special Committee on Human Rights

SRA, pinag-aaralan na ang pag-import ng karagdagang suplay ng asukal

Posibleng pahintulutan muli ng Sugar Regulatory Administration ang pagaangkat ng asukal sa mga susunod na buwan. Ayon kay SRA Administrator Pablo Azcona, naaprubahan ito ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang pulong kamakailan para matiyak na sapat ang buffer stock ng asukal sa bansa. Ayaw na raw kaseng maulit ng pamahalan ang nangyari noong… Continue reading SRA, pinag-aaralan na ang pag-import ng karagdagang suplay ng asukal

Pagiging testigo ni ex-PDEA agent Morales, kukwestyunin ng senador

Iginiit ni Senador Jinggoy Estrada na hindi dapat gamiting testigo sa pagdinig ng Senado si dating PDEA agent Jonathan Morales. Ayon kay Estrada, matatawag na ‘congenital liar’ o likas na sinungaling si Morales kaya naman hindi ito dapat na ituring na testigo ng Senate Committee on Dangerous Drugs. Plano ng senador na kwestyunin sa gagawing… Continue reading Pagiging testigo ni ex-PDEA agent Morales, kukwestyunin ng senador

Konsehala at asawa, arestado kasama ang 2 iba pa sa illegal possession of firearms sa Naic, Cavite

Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) Southern Metro  Manila District Field Unit ang isang konsehala, ang asawa nito, at 2 iba pa sa ikinasang Oplan Paglalansag Omega sa Sitio Lontoc, Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite noong Sabado. Sa ulat ng CIDG, kinilala ang mga suspek na sina Maria Theresa Puno asawa niyang… Continue reading Konsehala at asawa, arestado kasama ang 2 iba pa sa illegal possession of firearms sa Naic, Cavite

Laban kontra smuggling ng tobacco at vape product, suportado ng Zambales solon

Pinapurihan ni House Committee on Bases Conversion Chair at Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang laban kontra smuggling ng tobacco at vape products. Aniya ipinapakita nito na seryoso ang pamahalaan sa pag protekta sa kalusugan ng mga Pilipino at pagpapatupad ng batas. “I commend… Continue reading Laban kontra smuggling ng tobacco at vape product, suportado ng Zambales solon

Ikalawang civilian mission sa West Phil., nakakasa na

Inihahanda na ang mga suplay na ipapamahagi sa ikalawang civilian Mission sa West Philippine Sea. Mahigit 100 banka ang inaasahang lalahok sa misyon mula Mayo 14 hanggang 17 na pangungunahan ng Atin Ito Coalition kasama ang iba pang volunteer. Kabilang sa mga inihanda ang krudo na isinalin sa maliliit na container para ipamamahagi sa mga… Continue reading Ikalawang civilian mission sa West Phil., nakakasa na

Watawat ng Pilipinas, ibinandera sa ‘BandeRun’ para sa West Philippine Sea

Nagkaisa sa pagtakbo at lakad bitbit ang pambansang watawat ng Pilipinas ang mga parishioner ng isang simbahan sa Quezon City sa isinagawang “BandeRun for Peace and Sovereignty. Pinangunahan ng kilalang running priest na si Fr. Robert Reyes ang naturang aktibidad na isinagawa sa kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City nitong linggo. Litaw na litaw… Continue reading Watawat ng Pilipinas, ibinandera sa ‘BandeRun’ para sa West Philippine Sea

Mahigit ₱3-M na iligal na droga, nasabat sa Bulacan; 2 High Value Individuals, arestado

Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office 3 ang 2 High Value Individuals na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa rehiyon. Batay sa ulat kay PRO3 o Central Luzon PNP Director, PBGen. Jose Hidalgo Jr, naaresto ang 2 sa bahagi ng Brgy. Graceville, San Jose City sa lalawigan ng Bulacan. Nakuha sa… Continue reading Mahigit ₱3-M na iligal na droga, nasabat sa Bulacan; 2 High Value Individuals, arestado

Marikina City LGU, naghahanda na sa pagdating ng La Niña

Naghahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa napipintong pagdating ng La Niña. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatiling sadsad ang lebel ng tubig sa ilog Marikina partikular na sa bahagi ng Brgy. Sto. Niño. Tumubo na rin ang ilang kopra na itinanim ng isang residente rito Subalit pangako naman niya, aalis siya at… Continue reading Marikina City LGU, naghahanda na sa pagdating ng La Niña

CSC-NCR, nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon para sa August Career Service Exam

Sinimulan na ngayong araw ng Civil Service Commission (CSC) sa National Capital Region (NCR) Field Office ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa susunod na Career Service Exam Pen and Paper Text na nakaiskedyul sa buwan ng Agosto. Sa inilabas nitong abiso, sa ngayon ay tanging sa CSC-NCR Field Office lamang maaaring magsumite ng aplikasyon.… Continue reading CSC-NCR, nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon para sa August Career Service Exam