Pagsala sa mga kandidato, dapat higpitan ng COMELEC

Nagpaalala ang isang party-list representative sa COMELEC na salaing mabuti ang mga kakandidato lalo na ngayong papalapit na 2025 midterm elections. Sa gitna ito ng pagkuwestyon sa citizenship ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Matatandaan na sa pagdinig ng Senado sa ‘POGO-politics’ ay bigo ang alkalde na sagutin ang tanong ng mga senador gaya ng… Continue reading Pagsala sa mga kandidato, dapat higpitan ng COMELEC

Pagbuo ni PBBM ng isang ‘Super Body’ para protektahan ang karapatang-pantao, suportado ng PNP

Welcome para sa Philippine National Police (PNP) ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbuo ng isang “Special Committee on Human Rights Coordination.” Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, naaayon naman sa itinatadhana ng Admnistrative Order no. 22 ang naturang hakbang para maprotektahan ang karapatang-pantao sa bansa.… Continue reading Pagbuo ni PBBM ng isang ‘Super Body’ para protektahan ang karapatang-pantao, suportado ng PNP

Mga nasa likod ng deepfake video ng Pangulo, sinampahan ng reklamo sa ACG

Naghain ng reklamo sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang pribadong grupo laban sa mga nasa likod ng deepfake video na layong siraan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kasong paglabag sa Article 154 ng Revise Penal Code in relation to Anti-Cybercrime Law ang inireklamo ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI), sa… Continue reading Mga nasa likod ng deepfake video ng Pangulo, sinampahan ng reklamo sa ACG

Meralco, naghahanda na rin sa banta ng La Niña

Nakalatag na rin ang preparasyon ng Manila Electric Co. (Meralco) sa nakaambang banta ng La Niña sa bansa. Sa QC Journalists Forum, sinabi ni MERALCO VP at Corporate Comm Head Joe Zaldarriaga na bagamat hindi magigong problema ang suplay tuwing tag-ulan ay delikado naman ang distribution backbone lalo na kung tamaan ng mga malalakas na… Continue reading Meralco, naghahanda na rin sa banta ng La Niña

Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy na bumababa

Muling natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng 37 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 182.63 meters. Higit dalawang metro na lang ang… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy na bumababa

Planong integrated terminal sa lote ng GSIS sa QC, ininspeksyon ng MMDA

Personal na ininspeksyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson, Atty. Don Artes ang bakanteng lote na pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS) sa bahagi ng Elliptical Road sa Quezon City. Dito planong magtayo ng isang integrated terminal at parking area na makatutulong sa mga biyahero at motorista. Kasama ni Artes sa ginawang inspeksyon… Continue reading Planong integrated terminal sa lote ng GSIS sa QC, ininspeksyon ng MMDA

Abot kayang gulay, tampok sa KADIWA ng Pangulo sa Pasig City

Patok ang mga murang gulay sa itinayong KADIWA ng Pangulo store sa bahagi ng Arcovia, Brgy. Ugong, Pasig City. Bahagi ito ng proyekto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) na maihatid ang murang bilihin para sa mga Pilipino. Kabilang sa mga mabibili rito ay mga highland vegetable gaya… Continue reading Abot kayang gulay, tampok sa KADIWA ng Pangulo sa Pasig City

Indonesian na umano’y biktima ng kidnapping, na-ligtas sa Silang Cavite

Naligtas ng mga tauhan ng Silang municipal police station (MPS) ang isang Indonesian na umano’y biktima ng kidnapping sa Barangay Malabag, Silang Cavite. Sa ulat ng Cavite Provincial Police Office (PPO) na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Teddy Sufendy, 28 taong gulang at nagtatrabaho bilang POGO-Search Engine Maintenance sa Makati City.… Continue reading Indonesian na umano’y biktima ng kidnapping, na-ligtas sa Silang Cavite

‘Kasangga’ exercise ng PH at Australian army, umarangkada na

Pormal na binuksan ang “Kasangga 24-1” military exercise sa pagitan ng Philippine Army at Australian Army sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela kahapon (May 13). Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Chief Col. Louie Dema-ala, kasali sa sabayang pagsasanay ang 100 sundalo ng 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division at… Continue reading ‘Kasangga’ exercise ng PH at Australian army, umarangkada na

Suspension Order vs 72 NFA personnel, inalis na rin ng Ombudsman

Karagdagang mga tauhan ng National Food Autho­rity (NFA) ang makakabalik na sa trabaho matapos bawiin ng Ombudsman ang suspension order sa mga ito. Sa inilabas na kautusan ni Ombudsman Samuel Martires na may petsang May 10, lifted na rin ang suspensyon sa 72 tauhan ng NFA na mayorya ay mga warehouse supervisor. Kabilang sa maaari… Continue reading Suspension Order vs 72 NFA personnel, inalis na rin ng Ombudsman