Super Rural Health Unit, pinasinayaan sa Kalayaan island

Malaking tulong para sa mga residente ng Kalayaan Island ang itatayong Super Rural Health unit sa kanilang lugar. Ayon kay Dennis Abacial, OIC Municipal Health Officer ng Kalayaan Island, partikular na makatutulong ang itatayong Super RHU para sa mga manganganak sa kanilang lugar. Sa ngayon kasi, hindi aniya nila pinapayagan na manganak sa isla ang… Continue reading Super Rural Health Unit, pinasinayaan sa Kalayaan island

Isa pang akusado sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro, sumuko na sa NBI

Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang akusado sa kasong illegal detention for ransom na isinampa ng TV host at actor na si Vhong Navarro. Ayon sa NBI, sumuko sa kanilang tanggapan sa Quezon City si Ferdinand Guerrero. Kasama ni Guerrero ang kanyang abogado. Sumuko si Gurrerro ilang araw matapos hatulang… Continue reading Isa pang akusado sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro, sumuko na sa NBI

Mindanao solon, binigyang halaga ang pagiging ganap na batas ng Food Stamp Program

Nagpahayag ng suporta si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa panukala na gawing isang ganap na batas ang Food Stamp Program. Ayon sa mambabatas, mahalaga na suportahan at tulungan ang gobyerno sa pagkamit ng lipunan na may food security. Ito aniya ang dahilan kung bakit nagpapatupad ng alleviation programs ang gobyerno sa pamamagitan… Continue reading Mindanao solon, binigyang halaga ang pagiging ganap na batas ng Food Stamp Program

Pagpapalawak ng space technology ng US at PH para sa maritime surveillance, suportado ng House members

Suportado ng House members ang bilateral cooperation ng Pilipinas at Estados Unidos na isulong ang kooperasyon sa space technology na makaktulong sa maritime domain surveillance. Sa daily press conference sa Kamara, sinabi ni Davao Representative Cheeno Almario ang teknolohiyang satellite imagery ay malaking tulong sa pagbabantay sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.… Continue reading Pagpapalawak ng space technology ng US at PH para sa maritime surveillance, suportado ng House members

P286-M halaga ng serbisyo at tulong ng gobyerno, bitbit ng ‘Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ sa CDO

Nasa halos 30,000 na Cagayanon ang nakabenipisyo sa serbisyo at ayudang dala ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na inilunsad sa Cagayan de Oro City. Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng ika-17 BPSF at ika-anim sa Mindanao. “Isa na namang matagumpay na BPSF ang ating naisagawa sa CDO. Target po natin ang mga lalawigan… Continue reading P286-M halaga ng serbisyo at tulong ng gobyerno, bitbit ng ‘Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ sa CDO

Pagkakapasa ng Food Stamp Program sa House Committee level, ikinatuwa ng DSWD

Ikinalugod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-apruba ng Kongreso sa consolidated version ng mga panukala na naglalayon na gawing institutionalize ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng ahensya. Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, malaking tulong ito para mabigyan ng seguridad ang operasyon ng programa sa pamamagitan ng additional funding sa naturang programa.… Continue reading Pagkakapasa ng Food Stamp Program sa House Committee level, ikinatuwa ng DSWD

DTI, ipagpapatuloy ang kampanya vs. ipinagbabawal na vape products sa merkado

Ipagpapatuloy ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang kampanya sa pagsugpo at pagkumpiska ng ipinagbabawal na vape products sa ating bansa. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nagpapatuloy ang kanilang kooperasyon sa Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng operasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa, upang matigil na ang pagpasok ng mga… Continue reading DTI, ipagpapatuloy ang kampanya vs. ipinagbabawal na vape products sa merkado

3 phreatic eruptions, naitala sa Bulkang Taal – Phivolcs

Nakapagtala ng tatlong phreatic events ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Taal sa Batangas, simula kahapon hanggang kaninang umaga. Ayon sa Phivolcs, dalawang phreatic eruption o pagbuga ng usok ang naitala mula sa main crater ng Bulkang Taal kahapon, May 15. Tumagal ng limang minuto ang phreatic event habang dalawang minuto… Continue reading 3 phreatic eruptions, naitala sa Bulkang Taal – Phivolcs

JOs at COS ng DOT, binigyan ng libreng accident insurance ni Tourism Sec. Frasco

Bilang pagbibigay pasasalamat sa mga job order (JO) at contract of service (COS) personnel na naglilingkod Department of Tourism (DOT) namahagi ng libreng accident insurance sa 219 JOs at COS ng kagawaran, ngayong ipinagdiriwang ang ika-51 anibersaryo nito ngayong taon. Kung saan personal na ibinigay ni Tourism Secretary Christina Frasco ang naturang accident insurance package… Continue reading JOs at COS ng DOT, binigyan ng libreng accident insurance ni Tourism Sec. Frasco

DepEd, target na maipatayo muli ang mga paaralan na napinsala ng kalamidad

Target ng Department of Education (DepEd) na maipatayo muli ang mga nasirang paaralan na napinsala ng kalamidad. Ito ay sa ilalim ng “Infrastructure for Safer and Resilient Schools” (ISRS) Project. Bahagi ito ng MATATAG Agenda ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na layong tugunan ang pangangailangan na maipatayo muli ang mga paaralang nasalanta… Continue reading DepEd, target na maipatayo muli ang mga paaralan na napinsala ng kalamidad