Pagpapasabog ng granada sa kapilya sa Cotabato City, kinondena ni Sec. Galvez

Mariing kinondena ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagpapasabog ng granada sa isang Katolikong kapilya sa Cotabato City noong Linggo na ikinasugat ng dalawang tao. Sa isang kalatas, sinabi ng kalihim na ang insidente na isinagawa sa araw ng pananampalataya ng mga Katoliko ay direktang pag-atake sa commitment sa “religious freedom” at… Continue reading Pagpapasabog ng granada sa kapilya sa Cotabato City, kinondena ni Sec. Galvez

Higit 9 na libong Agrarian Reform Beneficiaries sa buong bansa, nabigyan na ng land titles ng DAR

Sinisikap pa ng Department of Agrarian Reform na pabibilisin ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga agrarian reform beneficiaries sa buong bansa. Batay sa huling datos ng DAR, kabuuang 15,000 ektarya ng lupa ang naipamigay na sa mahigit 9,000 ARBs Katumbas ito ng 63 porsiyento ng 23,000 ektarya na target na ipamamahagi ng DAR… Continue reading Higit 9 na libong Agrarian Reform Beneficiaries sa buong bansa, nabigyan na ng land titles ng DAR

Commitment ng AFP sa stabilidad ng Indo-Pacific Region, tiniyak ni Gen. Brawner

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang commitment ng Sandatahang Lakas sa pagtataguyod ng stabilidad sa Indo-Pacific region sa pamamagitan rules-based approached alinsunod sa international law. Ito’y sa pakikipagpulong ni Gen. Brawner kay United States Pacific Fleet Commander Admiral Stephen Koehler sa pagbisita ng huli sa Camp… Continue reading Commitment ng AFP sa stabilidad ng Indo-Pacific Region, tiniyak ni Gen. Brawner

Health advocate Dr. Tony Leachon, kinasuhan ng cyber libel ng kumpanyang Bell-Kenz Pharma

Nagsampa na ng kasong cyber libel ang kumpanyang Bell-Kenz Pharmaceuticals Inc. laban sa public health advocate na si Dr. Tony Leachon kaugnay ng mga naging akusasyon nito laban sa kumpanya. Inihain ang kaso sa tanggapan ng NBI Cybercrime Division sa pamamagitan ng mga legal counsel ng Bell-Kenz. Ayon kay Atty. Dezery Perlez, Bell-Kenz Pharma, Inc.… Continue reading Health advocate Dr. Tony Leachon, kinasuhan ng cyber libel ng kumpanyang Bell-Kenz Pharma

House Committee on Ethics, dedesisyunan na ngayong araw ang reklamo kay Rep. Pantaleon Alvarez

Ngayong araw ay tatapusin na ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagtalakay sa reklamo na inihain ni Tagum Mayor Rey Uy at iba pa, laban kay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez. Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Jil Bongalon, vice-chair ng Komite dedesisyunan nila kung ano ang parusang ipapataw sa kasamahang mambabatas… Continue reading House Committee on Ethics, dedesisyunan na ngayong araw ang reklamo kay Rep. Pantaleon Alvarez

Upgrade sa 32 pumping stations sa Metro Manila, inaasahang matatapos bago dumating ang tag-ulan

Minamadali na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ginagawang upgrade sa mga pumping station sa Metro Manila. Ito’y bahagi pa rin ng mga solusyon upang maibsan ang matinding pagbaha sa Kalakhang Maynila lalo na sa tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan na lalala pa dahil sa La Niña. Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty.… Continue reading Upgrade sa 32 pumping stations sa Metro Manila, inaasahang matatapos bago dumating ang tag-ulan

Pagtatatag ng day-care centers para sa mga senior citizen, itinutulak sa Kamara

Naghain ng panukalang batas si United Senior Citizens Party-list Representative Milagros Aquino-Magsaysay para makapagpatayo ng community-based daycare centers para sa mga senior citizens. Sa ilalim ng House Bill 10362 o Senior Citizens Day Care Center Act of 2024, magbibigay ng educational, health at socio-cultural na programa at serbisyo sa naturang mga daycare centers. Kasama dito… Continue reading Pagtatatag ng day-care centers para sa mga senior citizen, itinutulak sa Kamara

Pinsala ng El Niño sa agri sector, sumampa na sa P9.5B ayon sa DA

Umakyat na sa P9.5-B ang naitala ng Department of Agriculture na halaga ng pinsala ng El Niño phenomenon sa sektor ng pagsasaka at pangisdaan. Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, pinakamalaki pa rin ang pinsala sa rice sector na sumampa sa P4.6-B Sa kabila nito, pasok pa rin naman sa tantya ng DA… Continue reading Pinsala ng El Niño sa agri sector, sumampa na sa P9.5B ayon sa DA

Isang kalsada sa Pasig City, 2 linggong isasara sa mga piling oras para isailalim sa pagkukumpuni

Abiso sa mga motorista dahil pansamantalang isasara ang Countryside Avenue sa Brgy. Sta Lucia sa lungsod ng Pasig simula ngayong araw. Batay sa abiso ng Pasig LGU, isasara ang naturang kalsada para bigyang daan ang concrete reblocking mula Ortigas Avenue Extension hanggang Ilang-Ilang Street. Gagawin ang pagsasara sa Countryside Avenue tuwing alas-8 ng umaga hanggang… Continue reading Isang kalsada sa Pasig City, 2 linggong isasara sa mga piling oras para isailalim sa pagkukumpuni

DILG Sec. Benhur Abalos Jr. binuksan ang MMDA cup ngayong araw

Nagsama-sama ang iba’t ibang Lokal na Pamahalaan sa National Capital Region (NCR) hindi sa larangan ng pulitika kungdi sa larangan ng pampalakasan. Ito’y matapos ilunsad ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang MMDA cup 2024 na layong patatagin pa ang ugnayan at samahan ng mga LGU. Pinangunahan ni Department of the Interior… Continue reading DILG Sec. Benhur Abalos Jr. binuksan ang MMDA cup ngayong araw