LTFRB, nilinaw na hindi inirerekomenda na ihinto ang MC Taxi Program

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang rekomendasyon mula sa technical working group (TWG) na tapusin ang limang taong motorcycle taxi pilot program. Binigyang diin ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na wala silang rekomendasyon na limitahan ang programa sa tatlong MC player lamang sa Metro Manila. Paliwanag ni Guadiz, itinigil… Continue reading LTFRB, nilinaw na hindi inirerekomenda na ihinto ang MC Taxi Program

Kamara, nagsagawa ng continuing legal education sa mga abogado nito

Nagsagawa ang House of representative ng mandatory continuing legal education o MCLE. Layon nitong maging angkop ang kaalaman ng mga abogado ng Kamara sa huling mga kaganapan sa legal na propesyon. Tinalakay ng MCLE ang mga paksang ukol sa Environment Law and Rules and Procedures, 2019 rules on evidence as applied in criminal cases, mahahalagang… Continue reading Kamara, nagsagawa ng continuing legal education sa mga abogado nito

Supreme Court, inatasan ang korte sa Davao City na ilipat ang mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa QC

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa Metro Manila ang mga kasong kriminal na kinasasangkutan ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa niya akusado. Sa desisyon ng Supreme Court ngayong hapon, inatasan nito ang Judge ng Davao City Regional Trial Court na ilipat… Continue reading Supreme Court, inatasan ang korte sa Davao City na ilipat ang mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa QC

5 sasakyan, naharang ng mga tauhan ng MMDA sa ikinasang anti-colorum operations

Tuloy-tuloy ang operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsada sa Metro Manila laban sa mga pasaway na motoristang lumalabag sa batas trapiko. Ito’y kasunod ng ikinasang operasyon ng MMDA Special Operations Group-Strike Force partikular na sa bahagi ng EDSA Extension sa Pasay City gayundin sa Anda Circle sa Maynila, kagabi. Nagresulta ito… Continue reading 5 sasakyan, naharang ng mga tauhan ng MMDA sa ikinasang anti-colorum operations

Kampo ni Speaker Romualdez, dumistansya sa di natuloy na Maisug Peace Rally sa Tacloban

Tahasang itinanggi ng kampo ni House Speaker Martin Romualdez na may kinalaman sila sa hindi natuloy na Maisug peace rally sa Tacloban City, nitong May 25. Sa isang panayam kay House Deputy Majority leader at Tingog party-list Rep. Jude Acidre, sinabi nito na lokal na pamahalaan ang nakatutok sa isyu. “wala naman kaming kinalaman, si… Continue reading Kampo ni Speaker Romualdez, dumistansya sa di natuloy na Maisug Peace Rally sa Tacloban

Rotational brownout, handang ipatupad muli ng MERALCO kasunod ng Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid ngayong araw

Muling umapila Manila Electric Company (MERALCO) sa mga customer nito na ipagpatuloy ang pagtitipid sa kuryente. Ito’y matapos ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Red at Yellow Alert ang Luzon Grid, ngayong araw. Ayon sa MERALCO, nakahanda ulit silang magpatupad ng Manual Load Dropping o rotational brownout. Kaya’t nanawagan ito sa… Continue reading Rotational brownout, handang ipatupad muli ng MERALCO kasunod ng Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid ngayong araw

Teroristang Abu Sayyaf na may 21 warrant of arrest, nutralisado sa operasyon ng pulisya sa Tawi-Tawi; 3 pulis sugatan

Namatay sa pakikipaglaban sa mga pulis ang isang notorious na Sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tawi-Tawi, kaninang madaling araw. Kinilala ang nasawing terorista na si Udom Hassim na may warrant of arrest para sa 17 kaso ng murder at apat na kaso ng frustrated murder. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagkaroon… Continue reading Teroristang Abu Sayyaf na may 21 warrant of arrest, nutralisado sa operasyon ng pulisya sa Tawi-Tawi; 3 pulis sugatan

Bangko Sentral ng Pilipinas, binigyang halaga ang capital market development sa bansa

Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palakasin ang capital market ng Pilipinas. Ito ang binigyang halaga ni BSP Governor Eli Remolona sa ginanap na Economic Briefing sa Manila. Ayon kay Remolona, sa pamamagitan ng capital market, mas paghuhusayin ang transmission ng mga monetary policy mechanism upang gawing mas resilient ang financial system. Aniya,… Continue reading Bangko Sentral ng Pilipinas, binigyang halaga ang capital market development sa bansa

Pamilya ng namayapang aktor na si Eddie Garcia, nagpasalamat kay PBBM sa paglagda ng Eddie Garcia Law

Labis ang pasasalamat ng pamilya ng batikang aktor na si Eddie Garcia kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglagda nito upang maging ganap na batas ang Eddie Garcia Law. Ayon kay 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, stepson ng namayapang aktor, malaking bagay ito upang bigyang pugay ang mga kontribusyon at legasiya niya sa entertainment… Continue reading Pamilya ng namayapang aktor na si Eddie Garcia, nagpasalamat kay PBBM sa paglagda ng Eddie Garcia Law

Mga Badjao sa Patikul, Sulu, dumaan sa financial at business management training

Tumakbo sa loob ng tatlong araw ang pagsasanay sa may 100 badjao sa bayan ng Patikul, Sulu na layong mahasa ang kanilang kaalaman sa pananalapi at paghawak ng kanilang kabuhayan bilang bahagi ng programa ng Minsitry of Social Services and Development (MSSD) sa ilalim pa naman ng Layag Badjao Program. Kinabibilangan ito ng 53 Badjao… Continue reading Mga Badjao sa Patikul, Sulu, dumaan sa financial at business management training