Mga apektado ng Bagyong Aghon, lagpas na sa 51K indibidual

Umabot na sa 16,336 na pamilya o katumbas ng 51, 659 na indibidwal ang apektado ng Bagyong Aghon, base sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong umaga. Mula ito sa 364 na barangay sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 7, Region 8 at NCR. Sa naturang bilang 3,878 na pamilya… Continue reading Mga apektado ng Bagyong Aghon, lagpas na sa 51K indibidual

Singil ng toll sa NLEX, tataas sa susunod na buwan

Inanunsyo ng Toll Regulatory Board (TRB) na tataas ang singil sa toll ng North Luzon Expressway (NLEX) simula sa Hunyo a-4. Ayon kay TRB Spokesperson, Julius Corpus, ito ang ikalawa at huling tranche ng inaprubahang toll rate adjustment. Para sa open system mula Balintawak sa Caloocan City hanggang Marilao sa Bulacan, Php 5 ang dagdag… Continue reading Singil ng toll sa NLEX, tataas sa susunod na buwan

Pagsama ng Philippine Navy sa mga Pilipinong mangingisda sa WPS, suportado ng isang mambabatas

Photo courtesy of House of Representatives FB page

Welcome para kay ACT CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang pahayag ng Philippine Navy na handa silang samahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea sa kanilang pag palaot Kasunod ito ng anunsyo ng China na magpapatupad ng apat na buwang fishing ban sa Scarborough Shoal na sakop ng teritoryo ng Pilipinas. Ayon kay Tulfo,… Continue reading Pagsama ng Philippine Navy sa mga Pilipinong mangingisda sa WPS, suportado ng isang mambabatas

DSWD Sec. Gatchalian, bumisita sa mga biktima ng Bagyong Aghon sa Quezon

Nagtungo si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa ilang bayan sa Quezon para personal na ipaabot ang tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Bagyong Aghon. Katuwang ang LGU, pinangunahan ng kalihim ang pamamahagi ng family food packs (FFPs) at cash aid sa mga apekatdo g residnte sa mga bayan… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, bumisita sa mga biktima ng Bagyong Aghon sa Quezon

Luzon grid, muling isasailalim sa red at yellow alert; Visayas grid, naka-yellow alert naman

Muling nag-abiso National Grid Corp of the Philippines na muling isasailalim sa red at yellow alert ang Luzon at Visayas grid ngayong araw. Ito ay bunsod pa rin ng manipis na reserba ng kuryente. Epektibo ang red alert sa Luzon Grid mula 2:00pm hanggang 4:00pm o tatagal ng dalawang oras habang isasailalim ito sa yellow… Continue reading Luzon grid, muling isasailalim sa red at yellow alert; Visayas grid, naka-yellow alert naman

Mga pulis sa matagumpay na operasyon sa Alitagtag drug bust, pinuri ng NCRPO Chief

Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Maj. General Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng opisyal at tauhan ng NCRPO na bahagi ng matagumpay na operasyon laban sa Canadian National na suspek sa nasabat na 1.4 na toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas noong nakaraang buwan. Ito’y kasunod ng pag-indict ng Department… Continue reading Mga pulis sa matagumpay na operasyon sa Alitagtag drug bust, pinuri ng NCRPO Chief

House Committee on Legislative Franchise, dapat maging maingat sa pagtalakay ng franchise renewal ng Meralco

Hiniling ngayon ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa House Committee on Legislative Franchise na maging maingat sa pagtalakay sa renewal ng legislative franchise ng Meralco. Ito’y matapos itanggi ng BDO Unibank na may kinalaman ito sa manipestasyon ng isang law firm na nagsasabing inirereklamo ng bangko ang Meralco. Sabi ng mambabatas na dapat… Continue reading House Committee on Legislative Franchise, dapat maging maingat sa pagtalakay ng franchise renewal ng Meralco

Lebel ng tubig sa Angat Dam, nabawasan na

Dahil humupa ang ulang dulot ng bagyong Aghon, nabawasan na rin ang antas ng tubig sa Angat Dam. Batay sa 8am update ng PAGASA Hydromet Division, bumaba na muli sa 179.91 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam. Mula ito sa 179.94 meters na naitala noong nakaraang araw. Kapos pa rin ito para umabot… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, nabawasan na

Bilang ng mga apektado sa pananalasa ng bagyong Aghon, umakyat na sa 50,000 — NDRRMC

Pumalo na sa 16,336 na pamilya o katumbas ng 51,659 na indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng bagyong Aghon sa bansa. Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod na rin ng pagpasok ng mga datos mula sa mga lalawigang apektado ng bagyo. Nagmula ang mga apektado sa… Continue reading Bilang ng mga apektado sa pananalasa ng bagyong Aghon, umakyat na sa 50,000 — NDRRMC

Valenzuela LGU, namahagi ng temporary shelter assistance sa mga apektadong residente ng gumuhong kalsada sa lungsod

Nagpaabot na ng cash assistance ang Valenzuela LGU sa mga pamilyang naapektuhan ng gumuhong bahagi ng kalsada sa Brgy. Karuhatan sa kasagsagan ng bagyong Aghon. Pinangunahan mismo ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang pamamahagi ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱20,000 para sa 10 house owners, at ₱10,000 sa bawat 16 na renters. Ang mga… Continue reading Valenzuela LGU, namahagi ng temporary shelter assistance sa mga apektadong residente ng gumuhong kalsada sa lungsod