Nakabuo na ang DENR ng kongkretong plano para paghandaan ang epekto ng heat wave.
Ayon kay DENR Sec. Toni Yulo Loyzaga, nakumpleto na ng ahensya ang isang specific government action para harapin ang climate change challenge.
Aniya, kabilang ang Pilipinas sa iilang mga bansa na mayroong National Adaptation Plan.
Ito ay isang pambansang plano para sa isang greenhouse gas inventory.
Nakapaloob dito ang pagtatayo ng mga clean and green infrastructure.
Nakapagpatupad na rin aniya ng integrated water system para sa mga lugar na may natinding tagtuyot.
Ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DENR ay maibaba sa lokal na antas ang adaptation planning na ito.| ulat ni Rey Ferrer