DOT, ipupursige ang pagkakaroon ng direct flights mula Brunei patungo sa iba’t ibang tourist destination ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng pamahalaan na magkaroon ng direct flights mula Brunei patungo sa iba’t ibang tourist destination ng Pilipinas.

Sa ambush interview kay Tourism Secretary Maria Christina Frasco sa Brunei, inihayag nitong sisikapin nilang magkaroon ng flight diretso na ng Cebu at Clark gayung sa ganitong paraan ay mas marami pang maaaring mahikayat na mga turista ang bumisita sa bansa.

Binigyang diin ni Frasco, na mahalaga ang nasabing connectivity goal gayung hindi lang sa Manila ang diretso ng mga turista kung hindi rekta na din sa mga tourism destination gaya ng Cebu at Clark.

Maisasakatuparan ito ani Frasco sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Department of Tourism (DOT) at Department of Transportation (DOTr) para sa route development, at mula dito ay magkaroon ng negosasyon at madadagdagan ang flight destinations sa labas ng NCR.

Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Frasco kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa suporta nitong mapalawak pa ang turismo sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us