Kapwa pinuri nina United Senior Citizens party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay at Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang pagkakapasa ng mga panukalang batas na magsusulong sa kapakanan ng mga nakatatanda.
Una dito ang House Bill 10423 o Universal Special Pension para sa mga senior citizen.
Sa viva voce voting pinagtibay sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbibigay ng P1,000 kada buwan sa mga mahihirap na senior.
P500 naman ang ipagkakaloob sa non-indigent senior sa unang limang taon na may tig-P100 na increase kada taon, bago itaas na rin sa P1000.
Sunod ding pinagtibay ang ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ญ๐ฌ๐ฏ๐ญ๐ฎ. Sa ilalim nito ay mabibigyan ng mas mataas na diskwento sa mga binibiling produkto at serbisyo ng mga senior citizens at mga may kapansanan.
Ipapatupad pa rin kasi dito ang 20 percent discount at exemption sa VAT ng mga senior citizen at PWDs, maliban pa sa diskwento o special offer ng mga tindahan, restaurant at hotel.
Aprubado na rin ang H๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ญ๐ฌ๐ญ๐ณ๐ฐ o ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐๐ฟ๐ถ๐ฐ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐๐ฐ๐ na siyang tututok sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga senior citizens sa pamamagitan ng mga espesyal na serbisyong pangkalusugan para sa kanila.
Itataguyod ng batas na ito ang pagkakaroon ng mga geriatric health centers at magbibigay ng espesyal na pagsasanay sa mga healthcare professionals upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga lolo’t lola.
Para naman ma-protektahan ang mga lolo’t lola laban sa anumang uri ng pandaraya ay pinasa rin ng Kamara ang House Bill ๐ญ๐ฌ๐ญ๐ด๐ด o ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ด๐ฎ๐ถ๐ป๐๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฑ ๐๐ฐ๐. Ang panukalang batas na ito ay magpapatupad ng mas mahigpit na mga regulasyon at parusa laban sa mga mapanlinlang na gawain na madalas na nagiging biktima ang mga senior citizens.
Pasado na rin sa Kamara ang ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ญ๐ฌ๐ฏ๐ญ๐ฐ o rationalization ng mga benepisyo at pribilehiyo ng mga senior at PWD.
Sa paraang ito ay titiyakin na magiging mas sistematiko at patas ang distribusyon ng mga benepisyo upang mas maraming makikinabang.| ulat ni Kathleen Forbes