Ibinahagi ni Solicitor General Menardo Guevarra na nangangalap na ng mga ebidensya ang Office of Solicitor General (OSG) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa isang panayam sa Senado, sinabi ni Guevarra na isang quo warranto petition ang pinag-aaralan nila maliban pa sa ibang mga legal na hakbang.
Sa ngayon aniya ay pinagsasama sama nila ang mga nakalap na ebidensya mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tungkol kay Mayor Guo.
Gayunpaman, hindi pa aniya maisasapubliko ng OSG ang mga ginagawa nilang legal na hakbang hangga’t hindi sila nakatitiyak sa mga ebidensya.
Sinabi ni Guevarra na sinisigiro kasi nilang malakas ang kasong maihahain nila laban kay Mayor Guo.
Dinagdag rin ng opisyal na kabilang sa mga tinitingnan nilang ebidensya ay ang mga naging pahayag ni Mayor Guo sa mga naging pagdinig ng Senate Committee on Women. | ulat ni Nimfa Asuncion