Pormal na lumagda sa kasunduan ang Philippine Red Cross (PRC) at St. Luke’s Medical Center (SLMC).
Ito ay upang mas mapadali ang paghahatid ng dugo at mga produkto nito sa mga nangangailangan.
Ayon sa PRC, ang naturang kasunduan ay nilagdaan nina PRC Chairman at CEO Richard Gordon at SLMC President at CEO Dr. Dennis Serrano sa BGC, Taguig City.
Bukod sa dugo, nangako rin ang SLMC na susuportahan ang iba pang mga programa ng PRC tulad ng Membership Accident Assistance Benefits (MAAB), emergency field hospital, at iba pang welfare programs.
Ang partnership na ito ay inaasahang magbibigay ng mas malawak at mabilis na serbisyo para sa mga nangangailangan ng dugo at iba pang tulong medikal.| ulat ni Diane Lear