Presyo ng karne ng baboy sa Pasig Mega Market, bahagyang tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas ng hanggang ₱10 ang presyo ng karne ng baboy sa Pasig City Mega Market.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱340 hanggang ₱350 ang presyo ng kada kilo ng pigue, habang ang liempo ay pumalo na sa ₱390 hanggang ₱400 ang kada kilo.

Gayundin naman ang pata na naglalaro ang presyo sa ₱290 hanggang ₱300 ang kada kilo, habang ang ribs ay naglalaro sa ₱230 hanggang ₱330 ang kada kilo.

Ayon sa mga nagtitinda ng karne, nabawasan ang mga nag-aalaga ng baboy dahil sa takot nila sa African Swine Fever.

Una nang inihayag ng Department of Agriculture (DA) na gumagawa na ito ng mga hakbang kung paano mapapatatag ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin gaya ng karne ng baboy, bigas, at mais. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us