Itinanggi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na may outside forces na nagtulak sa pagkakaroon ng biglaang pagbabago sa liderato ng Senado.
Binigyang diin ni Estrada na ang mga senador lang mismo ang nagdesisyon nito at walang ibang nakialam.
Nang matanong naman kung kasabay ng pagbabago sa liderato ng Senado ay magbabago na rin ang relasyon ng Mataas na Kapulungan sa Malacañang…sinabi ni Estrada na tulad pa rin ng dati ang magiging pakikitungo nila sa palasyo.
Sinabi ng senador, na palagi naman silang sumusuporta sa mga legislative agenda ng administrasyon basta’t para ito sa ikabubuti ng taumbayan.
Tiniyak rin ni Estrada na mananatiling independent ang Senado. Kasabay nito ay umaasa rin ang mambabatas na sa pamamagitan ng naging pagbabago sa Senate leadership ay mas magiging maganda na ang relasyon ng Senado sa Kamara. | ulat ni Nimfa Asuncion