Mga Migranteng Pilipino, pinarangalan ngayong Migrant Workers Day

Binigyang pugay ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga tinaguriang “Bagong Bayani”, ang mga OFW. Pinangunahan ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac ang maikling programa para sa Migrant Workers Day. Kaalinsabay ng flag raising ceremony, ginawaran ng DMW ang nasa 45 na OFW ng tulong pinansyal. Sila ay tumanggap ng Aksyon fund na nagkakahalaga… Continue reading Mga Migranteng Pilipino, pinarangalan ngayong Migrant Workers Day

Ukraine, nais magbukas ng embahada sa Pilipinas

Nagpulong sa Malacañang sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Ukraine President Volodymyr Zelenskyy. Matapos ang arrival honors para sa lider ng Ukraine ay agad na nagpulong ang dalawang lider kung saan ay nagpahayag si Zelenskyy ng pagnanais na magbukas ng kanilang embahada sa Pilipinas. Sa ngayon tanging sa Malaysia lamang mayroong embahada ang Ukraine… Continue reading Ukraine, nais magbukas ng embahada sa Pilipinas

Tulong para sa mga mangingisda na apektado ang kabuhayan dahil sa agresyon ng China, dapat nang ihanda

Nanawagan ang isang party-list solon sa pamahalaan na tiyaking may nakahandang tulong para sa mga mangingisda na maaapektuhan ang kabuhayan dahil sa ipatutupad na fishing ban ng China sa karagatan na sakop pa mismo ng ating teritoryo. Giit ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee, karaptan natin na malayang makapangisda sa West Philippine Sea, lalo na… Continue reading Tulong para sa mga mangingisda na apektado ang kabuhayan dahil sa agresyon ng China, dapat nang ihanda

Sec. Teodoro, nakipagpulong sa South Korean Defense Minister at EU High Representative

Magkahiwalay na nakipagpulong si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kay Minister of National Defense of South Korea Shin Won-Sik, at Josep Borrell Fontelles, ang High Representative of the European Union for Foreign Affairs and Security Policy and Vice President of the Commission for a Stronger Europe in the World. Ito’y sa sidelines… Continue reading Sec. Teodoro, nakipagpulong sa South Korean Defense Minister at EU High Representative

Sen. Gatchalian, hinamon si Bamban Mayor Alice Guo at pinaghihinalaang ina nito na sumailalim sa DNA test

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sumailalim sa DNA testing kasama si Wen Yi Lin, ang pinaghihinalaang totoong ina niya. Ayon kay Gatchalian, ito ay para masagot na ang mga katanungan tungkol sa pagkatao ng alkalde. Una nang sinabi ng senador na naniniwala siyang si Wen Yi o Winnie… Continue reading Sen. Gatchalian, hinamon si Bamban Mayor Alice Guo at pinaghihinalaang ina nito na sumailalim sa DNA test

Relasyong pandepensa ng Pilipinas at Australia, nasa ‘high point’

Inihayag ni Australian Deputy Prime Minister at Defense Minister Richard Marles na nasa “high point” ang relasyong pandepensa ng Pilipinas at Australia. Ang pahayag ay ginawa ng opisyal sa pulong bilateral kasama si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue sa Singapore. Sinabi naman ni… Continue reading Relasyong pandepensa ng Pilipinas at Australia, nasa ‘high point’

2025, tinawag ng COMELEC bilang Super Election

Idineklara ng Commission on Elections ( COMELEC) bilang Super Election ang taong 2025. Ito ay dahil tatlong halalan ang magaganap sa loob ng isang taon. Una dito ay ang National and Local Elections, Bangsamoro Election, at ang Barangay Election. Ang pahayag na ito ay ginawa ng COMELEC kasabay ng Multi Party Democracy Summit ng Bangsamoro… Continue reading 2025, tinawag ng COMELEC bilang Super Election

Simbahan sa Quiapo, nagpaskil ng tarpauline kaugnay ng pagtutol nila sa Divorce Bill

Ipinaskil na ng Simbahang Katoliko ang malaking tarpauline sa labas ng Minor Basilica Minore sa Quiapo, Maynila kaugnay ng pagtutol nila sa panukalang diborsyo. Sa naturang tarpauline, kanilang iginiit na ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat pinaghihiwalay ng tao. Noong nakaraang sesyon ng Kamara, inaprubahan nito sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Divorce… Continue reading Simbahan sa Quiapo, nagpaskil ng tarpauline kaugnay ng pagtutol nila sa Divorce Bill

Surigao solon, muling humirit na ibalik na ang death penalty

Humirit muli si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers matapos ang pamamaril ng isang Chinese national sa isang Pilipinong sibilyan dahil sa road rage na nauwi sa pagkamatay ng biktima. Kinuwestyon ng mambabatas kung paanong napahintulutan ang suspek na magkaroon ng baril na nagamit sa pagpatay ng ating kababayan. Ani Barbers, isa sa mga… Continue reading Surigao solon, muling humirit na ibalik na ang death penalty

Libreng WiFi, cellphone charging, tampok sa Mobile Command Center ng DSWD

Libreng koneksyon sa WiFi at charging ng cellphones ang hatid ng pinakabagong Mobile Command Center (MCCs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa panahon ng kalamidad. Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao, ang mga MCCs na naglalaman ng state of the art equipment ay… Continue reading Libreng WiFi, cellphone charging, tampok sa Mobile Command Center ng DSWD