Isang fishing banca, nasunog sa karagatan ng Naga City, Cebu

Dalawa ang patay samantalang tatlo ang nanatiling missing nang masunog ang isang fishing banca sa karagatang sakop ng Naga City, Cebu. Sa ipinalabas na impormasyon ng Philippine Coast Guard District Central Visayas, natanggap nila ang impormasyon tungkol sa nasusunog na Fishing Banca King Bryan bandang 8:25 ngayong gabi, Hunyo 5. Ayon kay Coast Guard Ensign… Continue reading Isang fishing banca, nasunog sa karagatan ng Naga City, Cebu

Suplay ng malinis na tubig, kailangan ng mga residenteng apektado ng pagputok ng Mt. Canlaon – Sen. Tolentino

Binigyang diin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pangangailangan na tiyakin ng pamahalaan na magkakaroon ng access sa malinis at maiinom na suplay ng tubig ang mga residente na apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon. Pinunto ni Tolentino sa DSWD na maaaring kontaminado ang suplay ng tubig sa mga komunidad na nakaranas ng ashfall… Continue reading Suplay ng malinis na tubig, kailangan ng mga residenteng apektado ng pagputok ng Mt. Canlaon – Sen. Tolentino

DOLE, magsasagawa ng job fair sa ilang mall sa Metro Manila kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Magsasagawa ng job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilang mall sa Metro Manila kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa June 12. Hinihikayat ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na lumahok sa naturang aktibidad. Ayon sa DOLE, aabot sa mahigit 31,000 na local at international na trabaho ang alok… Continue reading DOLE, magsasagawa ng job fair sa ilang mall sa Metro Manila kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Baha sa Boni Avenue corner F. Ortigas Street sa Mandaluyong City, mabilis na humupa dahil sa pumping station ng MMDA

Mabilis na humupa ang tubig baha sa Boni Avenue corner F. Ortigas Street sa Mandaluyong City sa kasagsagan ng lakas ng ulan kaninang hapon. Ito ay dahil sa pumping station na pinangangasiwaan ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office. Agad na binomba ng mga kawani ng MMDA ang tubig baha at na-discharge sa Buhangin… Continue reading Baha sa Boni Avenue corner F. Ortigas Street sa Mandaluyong City, mabilis na humupa dahil sa pumping station ng MMDA

Suporta ng Kongreso sa ‘Pambansang Pabahay’, susi sa tagumpay – DHSUD

Ikinatuwa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang ipinangako ni House Speaker Martin Romualdez na pagkakaloob ng pondo para sa susunod na taon sa flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program. Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, mahalaga ang suporta ng Kongreso, lalo na sa pagpopondo para sa sustainability at… Continue reading Suporta ng Kongreso sa ‘Pambansang Pabahay’, susi sa tagumpay – DHSUD

June 17, 2024, idineklara ng Malacañang bilang regular holiday, para sa obserbasyon ng Eid’l Adha.

Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang June 17 upang bigyang daan ang obserbasyon ng Eid’l Adha. Ito ang kinumpirma ni Communications Secretary Cheloy Vicaria Garafil ngayong hapon. Base sa proclamation no. 579 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang malalaking kaganapan ng Islam. Alinsunod na rin ito… Continue reading June 17, 2024, idineklara ng Malacañang bilang regular holiday, para sa obserbasyon ng Eid’l Adha.

Bawas sa taripa ng imported na bigas, pakikinabangan ng mga mamimili at ng sektor ng agrikultura, ayon sa Young Guns

Inihayag ng mga mambabatas na miyembro ng “Young Guns” ng Kamara ang kanilang suporta sa desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibaba sa 15% ang rice import tariff mula sa 35%. Anila, isa itong istratehikong hakbang para ibsan ang pasanin ng mga Pilipino na iniinda ang mataas na presyo ng bigas. Ayon kay… Continue reading Bawas sa taripa ng imported na bigas, pakikinabangan ng mga mamimili at ng sektor ng agrikultura, ayon sa Young Guns

Pamahalaang Lungsod ng Makati, magsasagawa ng Mega Job Fair bilang bahagi ng pagdiriwang ng 354th Founding Anniversary ng lungsod

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 354th Founding Anniversary ng lungsod, magdaraos ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng Mega Job Fair bukas. Ito ay pangungunahan ng Makati Public Service Office na gaganapin sa Ayala Malls Circuit Activity Center simula mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Kabilang sa mga trabahong inaalok ay sales agent, housekeeping,… Continue reading Pamahalaang Lungsod ng Makati, magsasagawa ng Mega Job Fair bilang bahagi ng pagdiriwang ng 354th Founding Anniversary ng lungsod

Delagasyon ng World Bank, bumisita sa mga solid waste diversion facilities ng MMDA para sa Metro Manila Flood Management Project

Nagsagawa ng site visit at study tour ang 45-man delegation ng World Bank sa mga solid waste diversion facility ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Vitas Pumping Station sa Tondo, Manila. Ang naturang pagbisita ay bahagi ng international support mission ng World Bank para sa Metro Manila Flood Management Project Phase 1. Layon ng… Continue reading Delagasyon ng World Bank, bumisita sa mga solid waste diversion facilities ng MMDA para sa Metro Manila Flood Management Project

Philippine Red Cross, namahagi ng pagkain at tubig sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental at Negros Oriental. Mahigit 250 indibidwal na nasa evacuation centers ang nakatanggap ng pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan mula sa PRC. Bukod sa pagkain at tubig, nagtayo rin ang PRC ng first… Continue reading Philippine Red Cross, namahagi ng pagkain at tubig sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros