OVP, nagbigay ng tulong sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Aghon sa Laguna

Nagpadala ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Aghon sa Pagsanjan, Laguna. Ito ay matapos na matanggap ang liham ng OVP Disaster Operations Center mula sa Pagsanjan, Laguna LGU. Nasa 1,700 relief boxes ang ipinamahagi ng OVP sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo. Lubos naman ang pasasalamat… Continue reading OVP, nagbigay ng tulong sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Aghon sa Laguna

E-Patrol Services ng LTO sa Rizal Park, magbibigay ng serbisyo sa publiko bago ang Araw ng Kalayaan

Prayoridad ng Land Transportation Office (LTO) ang pagproseso ng driver’s license at iba pang serbisyo ng ahensya sa E-Patrol Services ng LTO sa Rizal Park. Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, na ang deployment ng E-Patrol Services ay tatakbo mula ngayong araw, Hunyo 10, hanggang Martes, Hunyo 11. Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-126… Continue reading E-Patrol Services ng LTO sa Rizal Park, magbibigay ng serbisyo sa publiko bago ang Araw ng Kalayaan

Isabela Ground Mounted Solar Proj., patatatagin ang national grid ng Pilipinas, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw (June 10) ang paglagda sa connection agreement sa pagitan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at San Ignacio Energy Resources Development Corporation (SIER DC), para sa Isabela Ground Mounted Solar Project. Sa oras na maisakatuparan ang proyektong ito, magsisilbi itong isa sa pinakamalaking solar… Continue reading Isabela Ground Mounted Solar Proj., patatatagin ang national grid ng Pilipinas, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Mga magsasaka ng Isabela, pinagkalooban ng solar pumps

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng 17 solar pumps sa mga magsasaka ng Isabela na isa sa mga nangungunang probinsya pagdating sa produksyon ng bigas at mais. Kasama ni Romualdez ang ilan sa opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) at si Isabela Governor Rodito Albano, na kasama rin sa pagsaksi ng inagurasyon ng… Continue reading Mga magsasaka ng Isabela, pinagkalooban ng solar pumps

MMDA, nanguna sa pagbubukas ng “Pampamahalaang Programa at Serbisyo” sa Liwasang Rizal, Manila para sa ika-126 na Araw ng Kalayaan

Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pormal na pagbubukas ng “Pampamahalaang Programa at Serbisyo” sa Liwasang Rizal, Maynila bilang paggunita sa ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, layon ng programang ito na mailapit sa mamamayan ang mga serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.… Continue reading MMDA, nanguna sa pagbubukas ng “Pampamahalaang Programa at Serbisyo” sa Liwasang Rizal, Manila para sa ika-126 na Araw ng Kalayaan

SP Chiz Escudero, hindi tutol sa pag-awit at pagbigkas ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge sa Senado

Ipinauubaya na ni Senate President Chiz Escudero sa Senate secretariat ang pagdedesisyon kung ipapatupad rin sa Mataas na Kapulungan ang pag-awit at pagbigkas ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge tuwing flag raising ceremony. Ipinaliwanag ni Escudero, na hindi sakop ng inilabas na kautusan ng Malacañang na nagmamandato nito sa Senado, Kamara, Korte Suprema at Constitutional… Continue reading SP Chiz Escudero, hindi tutol sa pag-awit at pagbigkas ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge sa Senado

Brgy officials at iba pang opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nakikialam sa ayudang tinatanggap ng DSWD beneficiaries, binalaan ng pamahalaan

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lahat ng local officials maging sa mga mismong kawani ng DSWD, na pananagutin ang mga ito sa oras na mapatunayang sangkot sila sa pagkaltas ng ayudang ibinibigay sa mga benepisyaryo ng tanggapan. Pahayag ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, kasunod ng nag-viral na video ng… Continue reading Brgy officials at iba pang opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nakikialam sa ayudang tinatanggap ng DSWD beneficiaries, binalaan ng pamahalaan

Mahigit 11,000 tauhan ng PNP at iba pang ahensya, ide-deploy sa Araw ng Kalayaan

Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno ng mahigit sa 11,000 tauhan para magkaloob ng seguridad sa Araw ng Kalayaan.  Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, na katuwang ng PNP sa paglalatag ng seguridad ang Bureau of Fire Protection,… Continue reading Mahigit 11,000 tauhan ng PNP at iba pang ahensya, ide-deploy sa Araw ng Kalayaan

DSWD at La Castellana LGU, nagpulong para palakasin ang Kanlaon relief operation

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na magtuloy-tuloy pa ang relief operations para sa mga residente na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Kanlaon. Kahapon, nagpulong ang DSWD Western Visayas at Local Government Unit ng La Castellana at pinag usapan kung papano pa mapalakas ang relief operations sa mga evacuation center. Tinalakay din sa… Continue reading DSWD at La Castellana LGU, nagpulong para palakasin ang Kanlaon relief operation

Pananakit ng grupong Manibela sa DZRH reporter sa kasagsagan ng coverage, kinondena ng Justice Reporter’s Organization

Hindi nagustuhan ng Justice Reporter’s Organization o JUROR ang ginawang pananakit ng ilang myembro ng grupong Manibela sa isang radio reporter sa kasagsagan ng coverage kaninang umaga. Sa statement ng JUROR, kinondena nito ang ginawang pagsuntok kay DZRH Reporter Val Gonzales habang ibinabalita nito ang rally ng Manibela sa harap ng LTFRB sa East Avenue… Continue reading Pananakit ng grupong Manibela sa DZRH reporter sa kasagsagan ng coverage, kinondena ng Justice Reporter’s Organization