DSWD, namigay ng tulong pinansyal sa mga ARBs sa Eastern Visayas

Aabot sa 1,199 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa buong Eastern Visayas ang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development. Mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang mga ARB na pinagkalooban ng suportang pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD. Nauna nang pinagkalooban… Continue reading DSWD, namigay ng tulong pinansyal sa mga ARBs sa Eastern Visayas

Ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na kalahok sa Araw ng Kalayaan, nakalatag na sa Rizal Park – CSC

Umarangkada na ngayong araw ang alok na programa at serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan sa Rizal Park sa Maynila. Ayon sa Civil Service Commission, inihanda ito ng pamahalaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika 126 taong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Hinihikayat ng CSC ang publiko na pumunta sa Dancing Fountain Area sa Rizal… Continue reading Ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na kalahok sa Araw ng Kalayaan, nakalatag na sa Rizal Park – CSC

Bilang ng mga nananatili sa evacuation centers bunsod ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon, pumalo na sa mahigit 4000

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente sa isla ng Negros na piniling lumikas at manatili muna sa evacuation centers dahil sa epektong dulot ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon. Batay sa pinakahuling datos mula sa Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC), alas-8 ng umaga ay nasa 4,391 ang… Continue reading Bilang ng mga nananatili sa evacuation centers bunsod ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon, pumalo na sa mahigit 4000

SSS Pension Booster, inilunsad

Inilunsad ngayon ng Social Security System ang pension booster sa kanilang mga miyembro kung saan maaaring umabot sa hanggang 7.2% ang taunang return rate. Pinangunahan ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang paglulunsad ng MySSS Pension Booster na mula sa dating programa na Workers Investment and Savings Program o WISP at… Continue reading SSS Pension Booster, inilunsad

Mga nag-avail ng amnestiya ng pangulo, “immune” sa pag-aresto ayon sa PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang proteksyon sa mga dating rebelde na maga-avail ng amnesty program ng Pangulo. Ang pagtiyak ay binigay ni PNP Acting Deputy Chief for Operations, PLtGen. Michael John Dubria sa Ceremonial signing ng kasunduan sa pagitan ng ng National Amnesty Commission (NAC) at PNP kaninang umaga. Sinabi ni Dubria na… Continue reading Mga nag-avail ng amnestiya ng pangulo, “immune” sa pag-aresto ayon sa PNP

Mga biktima ng sindikatong nagpapanggap na kasambahay pero kawatan pala, nanawagan ng tulong

Nananawagan ngayon ng tulong sa publiko ang mga biktima ng isang sindikato na nagpapakilalang mga kasambahay pero kawatan pala. Sa isang panayam sa Quezon City ng mga biktima, partikular na tinuturo nila ang suspek na si Maricar Kian Watamama na nasa likod ng mga serye ng pagnanakaw sa kanyang mga naging amo sa Metro Manila.… Continue reading Mga biktima ng sindikatong nagpapanggap na kasambahay pero kawatan pala, nanawagan ng tulong

Dagdag na subsidiya para sa mga magsasaka, itinutulak ng isang mambabatas

Inaaral ngayon ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang paghahain ng panukalang batas upang madagdagan ang subsidiya at suportang ibinibigay ng pamahalaan sa mga magsasaka. Kasunod ito ng pagpapababa sa taripa ng inaangkat na bigas sa 15% mula sa dating 35% Ayon kay Hataman, sa inaasahang pagbaba ng presyo ng imported na bigas dahil sa pagbaba… Continue reading Dagdag na subsidiya para sa mga magsasaka, itinutulak ng isang mambabatas

Digital National ID, pormal nang inilunsad ng PSA

Mas madali na ngayong maa-access ng publiko ang kopya ng kanilang National ID sa paglulunsad ngayong araw ng Philippine Statistics Authority ng Digital National ID. Katuwang dito ng PSA ang Department ot Information and Communications Technology o DICT. Ang digital national ID ay magiging bahagi ng national-id.gov.ph kung saan maaaring maaccess at madownload ng nakarehistrong… Continue reading Digital National ID, pormal nang inilunsad ng PSA

Panibagong abiso para sa mga piloto, inilabas ng CAAP

Nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng panibagong Notice to Airmen (NOTAM) ngayong araw. Ito ay para sa mga flights na may biyaheng malapit sa Taal Volcano, at may vertical limits na 10,000 feet mula sa kalupaan. Ang latest NOTAM ng CAAP ay epektibo ngayong araw June 10, 2024, 8:39 am, to… Continue reading Panibagong abiso para sa mga piloto, inilabas ng CAAP

Mga bagong passenger facilities, ipinakita na ng CAAP

Inilunsad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Area Center 11 ang mga bagong pasilidad nito sa General Santos Airport. Target ng nasabing mga pasilidad ang mga nanay at anak dahil tinayuan ang nasabing airport ng Lactation Area at Children’s Play Area. Parehong air-conditioned at bukas sa publiko ang dalawang nabanggit na pasilidad. May… Continue reading Mga bagong passenger facilities, ipinakita na ng CAAP