Senado, magkakaroon na rin ng sesyon tuwing Huwebes

Magkakaroon na rin ng sesyon ang Senado tuwing Huwebes sa halip na hanggang Miyerkules lang. Kinumpirma ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na napagkasunduan na ito ng ilang senador sa majority bloc. Ayon kay Tolentino, itatakda mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon ang sesyon tuwing Huwebes. Ilalaan lang aniya nila ang Thursday session… Continue reading Senado, magkakaroon na rin ng sesyon tuwing Huwebes

Speaker Romualdez at Japanese Counterpart, nagkasundo na patuloy na pagtibayin ang bilateral relation ng 2 bansa

Nagpulong ngayong Martes si Speaker Martin Romualdez at kaniyang Japanese counterpart na si Speaker Fukushiro Nukaga kung saan pinagtibay ng dalawang opisyal ang pagpapalakas sa bilateral relations ng Pilipinas at Japan. Binigyang diin ni Speaker Romauldez ang malalim na diplomatic relations ng dalawang bansa lalo na sa depensa at ekonomiya. Nagpasalamat din ito sa Japan… Continue reading Speaker Romualdez at Japanese Counterpart, nagkasundo na patuloy na pagtibayin ang bilateral relation ng 2 bansa

DOST Strategic Plan para sa 2028, ibinahagi ni Sec. Solidum

Ibinahagi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary, Dr. Renato U. Solidum Jr. ang Strategic Plan Framework ng ahensya hanggang sa 2028. Ayon kay Solidum may apat na outcomes ang naturang plano: ito ay ang i-promote ang human well-being, isulong ang wealth creation, para magkaroon ng wealth protection, at i-institutionalize ang sustainability. Paliwanag ni… Continue reading DOST Strategic Plan para sa 2028, ibinahagi ni Sec. Solidum

Search operations sa nawawalang seafarer sa barkong inatake ng Houthi sa Red Sea, isasagawa kapag nadala ito sa ligtas na daungan – DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na isasagawa ang search operations para sa nawawalang seafarer sa sandaling madala ang barko sa ligtas na daungan. Ayon sa DMW, nakipagpulong si Ambassador Giovanni Palec ng Philippine Embassy sa Athens sa shipping principal ng MV Tutor. Sinabi ng shipping principal na sisimulan ang search operations para sa… Continue reading Search operations sa nawawalang seafarer sa barkong inatake ng Houthi sa Red Sea, isasagawa kapag nadala ito sa ligtas na daungan – DMW

Pagpapalakas ng kakayahan at mga programa ng PTV, asahan na sa ilalim ng pamumuno ni PTV GM Nebrida

Palalakasin pa ng bagong pamunuan ng People’s Television ang mga programa at kakayahan ng mga kawani ng tanggapan. “We intend to take a look at the current lineup of programs. We intend to continue what is already ongoing, and hopefully we can make it better. The objective being to make the programming of the station,… Continue reading Pagpapalakas ng kakayahan at mga programa ng PTV, asahan na sa ilalim ng pamumuno ni PTV GM Nebrida

24/7 online frontline service system at pinalawig na oras ng face-to-face transactions sa government offices, ipinapanukala

Itinutulak ngayon ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na gawing 24/7 ang serbisyo ng gobyerno. Sa kaniyang House Bill 10426 o 24//7 Frontline Government Service Act, ang mga matutukoy na ‘Zero Contact Services’ o mga serbisyo na maaaring gawin online ay magiging available 24 oras sa buong linggo. Para naman sa mga serbisyo na kailangan… Continue reading 24/7 online frontline service system at pinalawig na oras ng face-to-face transactions sa government offices, ipinapanukala

Meralco, humingi ng pang-unawa sa kanilang customers dahil sa mas mataas na generation charge sa susunod na 3 buwan

Humingi ng pang-unawa ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customer dahil sa pagpapataw ng mas mataas na generation charge sa susunod na mga buwan. Sa pulong balitaan sa Pasig, ipinaliwanag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na ang pagbabago sa singil ay bunsod ng naunang mag-anunsyo ang Meralco ng dagdag singil sa kuryente bago… Continue reading Meralco, humingi ng pang-unawa sa kanilang customers dahil sa mas mataas na generation charge sa susunod na 3 buwan

Higit 700 binepisyaryo ng LAWA at BINHI sa Quirino province, pinagkalooban ng cash assistance ng DSWD

May 754 partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI sa Quirino Province ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development. Ayon sa DSWD, partikular na nagmula ang mga benepisyaryo sa bayan ng Maddela at Nagtipunan ng lalawigan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng Risk Resiliency Program ng DSWD Region II sa… Continue reading Higit 700 binepisyaryo ng LAWA at BINHI sa Quirino province, pinagkalooban ng cash assistance ng DSWD

Maynilad tinaasan pa ng 15% ang kanilang paggamit ng renewable energy

Tinaasan pa ng Maynilad Water Services ng 15% ang paggamit ng renewable energy sa kanilang operasyon. Ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang pakikipag partner sa MPower, isang local retail supply arm ng Meralco. Sa ilalim ng partnership,ang MPower ang magsu supply ng renewable energy mula sa solar at biomass sources para magpatakbo ng siyam na… Continue reading Maynilad tinaasan pa ng 15% ang kanilang paggamit ng renewable energy

Panibagong insidente sa isinagawang RoRe mission ng militar sa Ayungin Shoal, tinuligsa ng NTF-WPS

Mariing kinondena ng National Security Council (NSC) at ng National Task Force for the West Philippine Sea ang pinakabagong insidente ng marahas at mapanganib na aksyon ng China. Ito’y kasunod ng pinakabagong Rotation at Re-supply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nakasadsad na BRP Sierra Madre… Continue reading Panibagong insidente sa isinagawang RoRe mission ng militar sa Ayungin Shoal, tinuligsa ng NTF-WPS