Pilipinas, Amerika, Japan at Canada nagsagawa ng 2nd Multilateral Maritime Cooperative Activity

Matagumpay na naisagawa noong Linggo, Hunyo 16, ang ikalawang multilateral maritime cooperative activity sa West Philippine Sea sa pagitan ng Philippine Navy ng Armed Forces of the Philippines (AFP), U.S. Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Canadian Navy. Kalahok sa ehersisyo ang Gregorio del Pilar-class patrol ship, BRP Andres Bonifacio, U.S. Navy Arleigh Burke-class… Continue reading Pilipinas, Amerika, Japan at Canada nagsagawa ng 2nd Multilateral Maritime Cooperative Activity

AFP Chief, nakatakdang bumisita sa mga sundalong binully ng China

Nakatakdang bisitahin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga tropang apektado ng huling insidente ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS). Sa isang mensahe sa mga mamamahayag sinabi din ni Gen. Brawner, na personal niyang kukumustahin ang mga tauhan ng AFP Western Command na… Continue reading AFP Chief, nakatakdang bumisita sa mga sundalong binully ng China

Higit 200,000 LGBTQIA+ members at allies, inaasahang makikilahok sa PH Pride Festival ngayong taon

Inaasahang dodoble pa ang bilang ng mga makikilahok sa muling pag-arangkada ng Pride PH Festival sa darating na June 22, 2024 sa Quezon Memorial Circle. Sa isang pulong balitaan, sinabi ng PRIDE PH na pinakamalaking network ng LGBTQIA+ na mula sa higit 100,000 attendees noong nakaraang taon, posibleng pumalo sa hanggang 200,000 ang makilahok sa… Continue reading Higit 200,000 LGBTQIA+ members at allies, inaasahang makikilahok sa PH Pride Festival ngayong taon

ERPAT project ng DSWD, binibigyang pansin ang parental roles ng mga ama

Patuloy na pinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities o “ERPAT.” Ito ay bilang pagkilala sa papel ng isang ama sa pagpapalaki sa kanyang anak. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao ang ERPAT ay isa sa mga serbisyo ng ahensya na nagbibigay importansya… Continue reading ERPAT project ng DSWD, binibigyang pansin ang parental roles ng mga ama

Karagdagang “artillery” dineploy sa Eastern Visayas para ubusin ang nalalabing NPA

Malugod na tinanggap ng 8th Infantry Division ang pagdating sa kanilang Headquarters sa Camp Vicente Lucban, Catbalogan City, Samar ng 1st Howitzer Platoon, Bravo Battery, mula sa 7th Field Artillery Battalion (7FAB), ng Army Artillery Regiment (AAR). Ayon kay 8th ID Commander Major General Camilo Z. Ligayo, ang pagdating ng 1st Howitzer platoon dala ang… Continue reading Karagdagang “artillery” dineploy sa Eastern Visayas para ubusin ang nalalabing NPA

Implementing guidelines para sa Executive Order no. 59 ni Pangulong Marcos, sinelyuhan ngayong araw ayon sa NEDA

Pinangunahan ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan ang paglulunsad gayundin ang ceremonial signing ng Implementing Guidelines ng Executive Order no. 59. Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang nasabing kautusan na naglalayong pagaangin ang requirements para sa flagship infrastructure projects ng Pamahalaan. Kasama ni Balisacan sa mga lumagda… Continue reading Implementing guidelines para sa Executive Order no. 59 ni Pangulong Marcos, sinelyuhan ngayong araw ayon sa NEDA

DA, inihahanda na ang climate smart mapping bilang tugon sa La Niña

Tuloy tuloy na pinaiigting ng Department of Agriculture ang paghahanda nito para sa inaasahang mas matinding epekto ng La Niña sa agri sector. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni DA Asec. U-Nichols Manalo na nakalatag na ang mga intervention ng kagawaran para hindi lubos na tamaan ang mga sakahan at pangisdaan sa bansa. Kabilang… Continue reading DA, inihahanda na ang climate smart mapping bilang tugon sa La Niña

PH at Japan, nagpalitan ng kaalaman at ‘best practices’ ukol sa paggawa ng batas

Nagpalitan ang mga matataas na opisyal ng Kamara at Japan ng kaalaman at tinatawag na ‘best practices’ pagdating sa paggawa ng mga batas. Pinangunahan ni Secretary General Reginald Velasco ang delegasyon ng Pilipinas sa pulong kay House of Representatives International Affairs Department Director General Yamamoto Hironori ng Japan. Nilalayon ng palitan na ito na mapalakas… Continue reading PH at Japan, nagpalitan ng kaalaman at ‘best practices’ ukol sa paggawa ng batas

BFAR, wala pang natatanggap na ulat ng mangingisdang nahuli sa unilateral fishing ban ng China

Wala pang natatanggap na anumang report ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kung mayroong mga mangingisdang naaresto kasunod ng deklarasyon ng unilateral fishing ban ng China sa West Philippine Sea. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na kung mayroon mang mangingisda ang mahaharass o maaresto ng China ay ituturing… Continue reading BFAR, wala pang natatanggap na ulat ng mangingisdang nahuli sa unilateral fishing ban ng China

Batang nawawala matapos maanod sa creek sa Caloocan, bangkay na ng matagpuan sa Bulacan

Kinumpirma ng Caloocan LGU na natagpuan na wala nang buhay ang walong taong gulang na batang unang napaulat na nawawala matapos na maanod sa creek sa kasagsagan ng malaas na pagulan kahapon. Ayon sa LGU, natagpuan ang bangkay ng bata bandang alas-8 ng umaga sa Saog Bridge sa Marilao, Bulacan. Kinilala ang biktimang si Jhaycob… Continue reading Batang nawawala matapos maanod sa creek sa Caloocan, bangkay na ng matagpuan sa Bulacan