Sen. Legarda sa pamahalaan: Panatilihin ang pagtitimpi para di lumala ang tensyon sa West Philippine Sea

Para kay Senator Loren Legarda, dapat pa ring idaan sa diplomatikong paraan ang pagharap sa tumataas na tensyon sa West Philippine Sea (WPS) at ang patuloy na harassment ng China sa ating mga tropa doon. Ayon kay Legarda, bukod sa mga diplomatic protest ay dapat ring magkaroon ng diplomatic talks ang ating gobyerno sa China.… Continue reading Sen. Legarda sa pamahalaan: Panatilihin ang pagtitimpi para di lumala ang tensyon sa West Philippine Sea

Sen. Legarda, sang ayong mapaalis na sa Nationalist People’s Coalition si Mayor Alice Guo

Nais ni Senator Loren Legarda na ma-expel o ganap nang maalis sa Nationalist People’s Coalition (NPC) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Giit ni Legarda, una sa lahat ay hindi niya alam kung bakit natanggap sa kanilang partido si Guo. Sinabi rin ng senator, na hindi na dapat pang hintayin ang pinal na desisyon … Continue reading Sen. Legarda, sang ayong mapaalis na sa Nationalist People’s Coalition si Mayor Alice Guo

Sen. Sherwin Gatchalian, naniniwalang dinaya rin ang edad ni suspended Mayor Alice Guo

Ipinunto ni Senador Sherwin Gatchalian na bukod sa pangalan at nationality, binago rin ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo ang kanyang edad. Ito ayon kay Gatchalian ay kung ikokonsidera ang isinapubliko niyang dokumento mula sa Board of Investments at Bureau of Immigration tungkol sa isang Guo Hua Ping, na pinaniniwalaan ng senador na totoong… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, naniniwalang dinaya rin ang edad ni suspended Mayor Alice Guo

MV Tutor, lumubog sa Red Sea ilang araw matapos ang drone at missile attack ng grupong Houthi

Kinumpirma ni Migrant Workers Hans Leo Cacdac na tuluyan nang lumubog ang bulk carrier na MV Tutor sa Red Sea ilang araw matapos ang nangyaring drone at missile attack ng Houthi rebels sa Red Sea. Sa isang pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Secretary Cacdac huling nakita ang barko noong June 17 sa baybayin ng… Continue reading MV Tutor, lumubog sa Red Sea ilang araw matapos ang drone at missile attack ng grupong Houthi

DA, planong magtayo ng kauna-unahang food hub sa Marikina City

Planong magtayo ng Department of Agriculture (DA) ng kauna-unahang food hub sa Marikina City. Ang food hub na ito ay magsisilbing tulay sa pagitan ng mga magsasaka at kooperatiba upang direktang maihatid ang kanilang mga produkto sa mga mamimili sa mas mababang presyo. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ang proyektong ito ay… Continue reading DA, planong magtayo ng kauna-unahang food hub sa Marikina City

DHSUD, nagbigay ng tulong pinansyal sa mga biktima ng sunog sa Isla, Barangay Batis sa San Juan City

Nagpaabot ng tulong pinansyal ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa 106 na pamilyang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa Isla, Barangay Batis sa San Juan City. Tumanggap ang bawat pamilya ng tig-₱15,000 sa ilalim ng Integrated Disaster Assistance Program Phase 1 ng ahensya. Ayon kay DHSUD Undersecretary Randy Escolango,… Continue reading DHSUD, nagbigay ng tulong pinansyal sa mga biktima ng sunog sa Isla, Barangay Batis sa San Juan City

Militar at NPA, nagka-engkuwentro sa Nueva Vizcaya

Kinumpirma ng Nueva Vizcaya Provincial Police Office na may sumiklab na engkuwentro sa pagitan ng mga tropa ng militar at ng CPP-NPA kaninang madaling araw. Batay sa ulat na ipinarating ng Nueva Vizcaya PNP sa Kampo Crame, nangyari ang engkuwentro 12:30 ng madaling araw sa Sitio Marikit, Brgy. Abuyo, Alfonso Castañeda subalit naiulat ito sa… Continue reading Militar at NPA, nagka-engkuwentro sa Nueva Vizcaya

Mambabatas, pinatitiyak sa PAGCOR na hindi makakataya ang mga bata sa mga lisensyadong online gambling site

Umapela si Senador Sherwin Gatchalian sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na tiyaking hindi matutulad sa e-sabong ang bagong online gambling na binigyan ng lisensya. Base sa datos, nasa 40 online gambling operator na target ang mga Pilipino ang binigyan ng lisensya ng PAGCOR. Bagamat sinabi ni Gatchalian na aaralin pa niya ang… Continue reading Mambabatas, pinatitiyak sa PAGCOR na hindi makakataya ang mga bata sa mga lisensyadong online gambling site

Senate inquiry tungkol sa proseso ng late registration of birth, isusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian

Naghain ng resolusyon (SRN 1053) si Senador Sherwin Gatchalian para maimbestigahan sa Senado ang pang-aabuso sa late registration of birth para makakuha ng birth certificate ang ilang mga dayuhan sa bansa. Ipinunto ng senador na sa pamamagitan ng late registration of birth ay nakakakuha ng birth certificate ang mga dayuhan, saka kukuha ng Philippine passport… Continue reading Senate inquiry tungkol sa proseso ng late registration of birth, isusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, nais gawing ganap na batas

Plano ng pamahalaan na i-institutionalize ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF). Ito ang tinuran ni BPSF National Secretariat Head Sofonias Gabonada Jr. sa isang pulong balitaan bago ang nakatakdang BPSF sa Bislig Surigao del Sur. Ayon kay Gabonada, ito ang nakikita nilang paraan upang masiguro na hindi mapuputol ang pagbaba ng serbisyo ng pamahalaan para… Continue reading Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, nais gawing ganap na batas