3 pulis, napaulat na nag-eescort sa mga Chinese — PNP-IMEG

Mahigpit nang tinututukan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang mga pulis na hindi awtorisadong mag-escort sa mga VIP. Sa katunayan, sinabi ni PNP-IMEG Director, Police Brig. Gen. Warren De Leon na may natatanggap silang ulat na tatlong pulis na nag-eescort sa ilang Chinese national na pawang nagmula sa iba’t… Continue reading 3 pulis, napaulat na nag-eescort sa mga Chinese — PNP-IMEG

Higit 200 jail personnel ng QC Jail, nag negatibo sa surprise drug test ng PDEA

Nag negatibo sa paggamit ng illegal drugs ang mga jail personnel ng Quezon City Jail Male Dormitory sa isinagawang surprised drug test nitong June 24. Ayon kay City Jail Warden JSupt Warren Geronimo, kabuuang 231 jail personnel ang sumalang sa drug test na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency . Ang aktibidad na ito ay… Continue reading Higit 200 jail personnel ng QC Jail, nag negatibo sa surprise drug test ng PDEA

DSWD, nakipagpartner na sa NIA para sa pagpapalawak ng Project LAWA at BINHI

Nagpulong sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen para sa posibleng pagtutulungan sa Risk Resiliency Program na Project LAWA at BINHI. Ito ay para mapalawak ang programa na layong matulungan ang mga benepisyaryo sa maayos na pagpapatupad ng proyekto at mapalawak ang kanilang… Continue reading DSWD, nakipagpartner na sa NIA para sa pagpapalawak ng Project LAWA at BINHI

Posibleng pagpapalit ng Chinese Ambassador to the Philippines, ipapaubaya na sa desisyon ng Pangulo

Hindi isinasantabi ni Speaker Martin Romualdez ang panawagan ng ilan na palitan na ang Chinese ambassador to the Philippines dahil na rin sa tila hindi naman nito nareremedyuhan ang girian sa pagitan ng Pilipinas at China sa usapin ng West Philippine Sea. Pero ayon sa House leader ang desisyon na ito ay dapat ipaubaya kay… Continue reading Posibleng pagpapalit ng Chinese Ambassador to the Philippines, ipapaubaya na sa desisyon ng Pangulo

Mga bagong Defense Attaché ng AFP, nag-courtesy call sa AFP Chief

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga bagong talagagang Defense and Armed Forces Attaché (DAFA) ng AFP sa kanilang courtesy call sa Camp Aguinaldo kaninang umaga. Sila ay sina incoming DAFA to Russia Col. Franklin Fabic PA; DAFA to Spain Col. Joseph Jeremias Cirilo… Continue reading Mga bagong Defense Attaché ng AFP, nag-courtesy call sa AFP Chief

3,000 bagong student-tutors, sinanay para sa DSWD Tara, Basa! Tutoring Program

Kasunod ng pinalawak na implementasyon ng Tara, Basa! Tutoring Program, karagdagang 3,000 mga estudyante ang sumailalim sa pagsasanay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa DSWD, nasa 3,881 na pawang mga 2nd-4th college student-beneficiaries mula sa piling state universities and colleges (SUCs) at local government-run universities ang sumalang na sa capacity building… Continue reading 3,000 bagong student-tutors, sinanay para sa DSWD Tara, Basa! Tutoring Program

Bagong Legacy Hemodialysis Center, itatayo sa NKTI

Panibagong Legacy Project na naman ang pormal na pinasinayaan ngayong araw. Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez, kasama sina Appropriations Chair Elizaldy Co, DPWH Sec. Manuel Bonoan at Quezon City vice mayor Gian Sotto ang ground breaking ceremony sa 13 palapag na Hemodialysis Building (HD Building) ng National Kidney and Transplant Institute. Itatayo ito 2,900 square… Continue reading Bagong Legacy Hemodialysis Center, itatayo sa NKTI

Mga baybayin ng Ilocos Sur, pinababantayan ng PNP sa possibleng pinuslit na droga

Inatasan ni Police Regional Office (PRO) 1 Regional Director PBGen Lou Evangelista ang mga istasyon ng pulis na malapit sa baybayin sa Ilocos Sur na maging mapagmatyag sa possibleng presensya ng pinuslit na droga. Ito’y matapos na marekober ng mga awtoridad sa tulong ng mga mangingisda noong Lunes ang 167 milyong pisong halaga ng shabu… Continue reading Mga baybayin ng Ilocos Sur, pinababantayan ng PNP sa possibleng pinuslit na droga

Pagpupulong ng Joint Defense Working Committee ng Pilipinas at Brunei, pinangasiwaan ng DND

Pinangasiwaan ng Department of National Defense ang ika-9 na pagpupulong ng Joint Defense Working Committee (JDWC) ng Pilipinas at Brunei. Malugod na tinanggap ni DND Undersecretary for Capability Assessment and Development Angelito M. De Leon na siyang co-chairman 9th JDWC Meeting, ang delegasyon ng Ministry of Defense ng Brunei Darussalam na pinangunahan ni retired Brigadier… Continue reading Pagpupulong ng Joint Defense Working Committee ng Pilipinas at Brunei, pinangasiwaan ng DND

Travel Agency na suma-sideline bilang illegal recruiter sa Northern Mindanao, ipinasara ng DMW

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency sa northern Mindanao matapos mapag-alamang umaakto ito bilang illegal recruiter. Partikular na ikinandado ng DMW ang Jonieza Joy Travel & Tours and consultancy sa Misamis Oriental dahil sa pag-aalok ng trabaho sa ibayong dagat nang walang kaukulang lisensya. Target ng naturang recruitment agency ang… Continue reading Travel Agency na suma-sideline bilang illegal recruiter sa Northern Mindanao, ipinasara ng DMW