Tinanggihan ng Commission on Elections (COMELEC) ang 120 na aplikasyon ng mga Party-list para makasali sa 2025 Midterm Elections.
Sa desisyon ng En Banc, hindi nito pinagbigyan ang kahilingan ng mga naturang Party-list na mapasama sa mga nais lumahok sa halalan.
Ayon sa komisyon, hindi naipaliwanag ng mga aplikante na sila ay kumakatawan sa mga marginalized sector.
Samantala, nasa 80 pang mga Party-list ang kasalukuyang dinirinig ng komisyon ang kanilang mga aplikasyon para makalahok sa 2025 Midterm Elections.
Sinabi ni COMELEC Chair George Erwin Garcia, tatapusin nila ang pagdinig sa mga aplikasyon ng mga ito bago ang filing ng Certificate of Candidacy sa unang linggo ng Oktubre.
Mamadaliin din daw nila ito upang agad malaman ng mga Party-list kung sila ba ay pwedeng makasali sa halalan. | ulat ni Mike Rogas