Naglatag ng iba’t ibang aktibidad ang Department of Migrant Workers (DWM) ngayong linggo bilang bahagi ng selebrasyon ng Migrant Workers’ Day sa June 7.
Layon ng pagdiriwang na ito na bigyang-pugay at pasalamatan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga sakripisyo at kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.
Kabilang sa mga aktibidad na inihanda ng DMW ang isang linggong OFW Trade Fair, libreng medical consultation mula sa OFW Hospital, paglagda ng mga kasunduan sa pagitan ng DMW at iba pang ahensya ng gobyerno para sa kapakanan ng mga OFW, at iba pa.
Kaninang umaga pormal nang binuksan ang isang linggong pagdiriwang na pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.
Kung saan namahagi ang DMW ng tulong pinanansyal na nagkakahalaga ng P30,000 sa 45 distressed OFWs sa ilalim ng AKSYON FUND ng ahensya.
Tiniyak naman ni Secretary Cacdac na patuloy na magbibigay ng tulong ang pamahalaan sa mga OFW na nangangailangan.| ulat ni Diane Lear