Tiniyak ng Naval Reserve Command na handa ang mga reserve officers nito na tumugon sa tawag ng pamahalaan sakaling kailanganin ang pwersa ng mga ito.
Sa graduation ng Basic Citizen Military Course ng mga bagong reservist ng Philippine Navy, sinabi ni Major General Joseph Ferrous Cuison, Commander ng Naval Reserve Command, aabot sa 250,000 na mga ready, stand by at retired Navy reservist ang ang ating bansa.
Tiniyak nito, handang tumugon ang naturang bilang kung may mga sakuna, kalamidad o pananakop ng ating bansa.
Sa panig ni Sen. Robinhood Padilla na tumayong guest speaker sa graduation ng may 300 reservist ng Philippine Navy, itutulak niya sa Senado ang Mandatory Reserve Officer Training Course sa mga estudyante.
Pero posibleng isulong din niya ang mandatory military training sa mga edad 18 pataas.
Samantala, handa ang Senador na gamitin ang kanyang Partido Demokratiko ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa mambabatas sa China para isulong ang kapayapaan sa West Philippine Sea.
Ang Communist Party ng China ay isang uri ng political party na maaaring gamitin niya para tumayong channel o linya para sa kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa. | ulat ni Michael Rogas