Nakikipag-ugnayan na ang Department of Transportation-Special Intelligence Committee on Transportation (DOTr-SAICT) sa Land Transportation Office (LTO) para makapaglabas ng show cause order laban sa motor rider na tumakas matapos nilang sitahin dahil sa iligal na pagdaan sa EDSA Busway.
Batay sa ulat ng SAICT, naghinala na ang mga tauhan ng SAICT dahil sa paulit-ulit nitong pagpindot sa kaniyang cellphone matapos na mahuli at hanapan ng dokumento.
Nagpakilala pa itong pulis subalit bigo itong makapagpakita ng mga hinihinging dokumento gaya ng kaniyang lisensya, rehistro at ID bilang katibayan.
Habang nasa kalagitnaan ng diskusyon, biglang humarurot at tuluyang tumakas kaya’t kasalukuyan na itong pinaghanap matapos na makakuha ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkakakilanlan nito. | ulat ni Jaymark Dagala